Kabanata 20

1.7K 102 3
                                    

Kabanata 20:
Regalo

Dumiretso ako sa library pagkatapos ng huli kong klase. Nagtataka pa sa akin si Jessie kung bakit ako pupunta roon dahil wala naman kaming assignment pero sinabi ko lang sa kanya na may hahanapin lang ako kaya umuwi na siya.

"Are you sure? Nasabi mo na ba yan kay Koraun? Hindi ba't maghihintay tayo ngayon?" sunod sunod niyang tanong dahil madalas ay tumatambay kami sa coffee shop kapag maaga ang dismissal ko kaysa Koraun. Pero dahil bukas na ang kaarawan niya ay mukhang hindi ko magagawa iyon ngayon.

"Oo, nasabi ko na sa kanya na narito ako. Kaya huwag kang mag-alala. May hahanapin lang talaga ako at doon ako mamalagi sa library." I said and it takes two second before Jessie nod her head. Tinitigan muna ako na para bang sinusuri kung totoo ba ang sinasabi ko.

"Okay, alright. Mauuna na ako. Basta lumabas ka lang agad kapag dismissal na nila Koraun. Baka hindi ka non agad mahanap at mag-aalala na naman sayo."

"Masusunod. Mag-ingat ka." sabi ko at kumaway sa kanya ng magpaalam na siya para umuwi. Tinitigan ko na lang si Jessie na naglalakad sa hallway patungo sa parking lot. Nang mawala siya sa paningin ay naglakad na rin naman ako sa kasalungat na daan patungo sa library.

Plano kong doon sa loob ng library gawin ang regalo ko para kay Koraun. Mukhang iyon lang ang pribadong lugar na maari kong pag gawaan. Wala kasi akong mahanap na bakanteng room na kung saan ako lang mag-isa ang puwedeng makaupo. Ang mga benches naman ay nakapuwesto kung saan laging may mga tao kaya sa huli library na lang ang pinili ko.

Pagkadating sa Library, agad kong namataan ang ilang mga estudyante na may ginagawa rin. Mukhang mga projects at ang iba ay paper works. Naghanap ako ng puwesto na hindi daanan ng tao at hindi agad ako mapapansin. Namataan ko ang dulong bahagi ng library na may tatlong hilera na lamesa na walang mga tao.

Pinili ko ang pinaka dulo at roon pumwesto. Binaba ko ang bag ko sa tabing upuan at agad na nilabas ang sketch pad, lapis at ang mga color pencils. Pagkalabas ko lahat ng gamit ay pumunta ako sa pahinang blanko pa. Noong kahapon ay nalagyan ko na ito ng ilang drawings ni Koraun sa iba't-ibang anggulo.

Ang iba roon ay kinuha ko na mga kuha niya mula sa phone ko at ang iba ay ginuhit ko mula sa imahinasyon. May limang drawing na roon at may limang pahina pa na natitira at pipilitin kong tapusin ang tatlo sa loob ng tatlong oras. Ang pinapangambahan ko lang ay baka hindi ko magawang matapos ang tatlo sa sapat na oras.

Kaya naman ay agad ko na iyong sinimulan. Ang ginuguhit ko ngayon ay ang picture naming dalawa na magkasama mula sa phone ko. Malaki ang ngiti ko habang nakatingin sa camera habang si Koraun naman ay seryoso ang ekspresyon. Ang ulo ay nakabaling sa akin at ang mga mata ay nakatuon sa akin habang nakapalumbaba. He's staring at me intently in this photo. Siya ang kumuha ng litrato na ito, at noong makita ko ito noong unang beses ay halos pamulahan ako ng mukha.

"Alright, I can do this." bulong ko sa sarili at nagsimula ng mag sketch ng katawan naming dalawa. Nakatuon lamang ako sa pagdrawing sa mga minutong nagdaan. Hindi ko pinagtuonan ang paligid, ang mga estudyanteng lumalabas at pumapasok sa library.

Wala namang nakakaisturbo sa puwesto ko dahil dulong bahagi ito at ang mga libro na nasa shelves na tabi ko ay halos lumang luma na kaya wala sigurong nalalaging tao rito.

Nakapokus lang ako sa pagguhit sa isang oras na nagdaan. Halos hindi ako makapaniwala na natapos ko iyon sa ganoong oras at nakulayan ko pa ng maayos. Tinitigan ko iyon ng mabuti at sinuri kong maganda at lumabas naman ang sa tulad ng inaasahan ko. Wala naman akong mahanap na mali kaya isang ngiti ang kumawala sa mga labi ko dahil nagawa ko iyon ng mabuti.

I was about to sketch the next photo that I choose when my hand stop on moving suddenly when I heard a voice beside me.

"Making a gift for him huh. I didn't know that you're good in drawing." napasinghap ako dahil sa gulat roon. Mabilis na napaangat ang tingin sa tabi ko kung saan nanggaling ang malamig at walang emosyong tinig. Nakita ko si Demetrio na walang emosyong nakatingin sa sketch pad ko habang ang dalawang kamay ay prenteng nakapasok sa bulsa ng pantalon niya.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Where stories live. Discover now