Kabanata 6

2.4K 135 7
                                    

Kabanata 6:
I'm Here

Gulat akong napatingin kay Lola habang palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Koraun. Mas lalong tumaas ang kilay niya at naging istrikto ang ekspresyon na ngayon ko lang nakita sa kanya. Maging si Arki ay kinabahan at natakot kaya nanahimik sa tabi ko at naupo.

Tumikhim si Koraun kaya nanatili ang tingin sa kanya ni Lola. Hindi ko alam kung tinangay ba ng hangin bigla ang boses ko at hindi ako makapagsalita.

"Good afternoon Ma'am. I'm Koraun Gozalvez." magalang na pagpapakilala ni Koraun at masuyong nilahad ang kamay niya para magmano kay Lola. Umismid naman si Lola at nahigit ko ang hiningi ko nang nanliit ang mata niya para suruin ang mukha ni Koraun.

"Ito ang kauna-unahang nagdala ng lalaki si Astrid rito. Kaibigan ka ba o nanloloko sa kanya?" nagulat ako sa huling pangungusap na sinabi ni Lola  at namilog ang mga mata. Tinignan ko si Lola para sana sawayin sa sinasabi kay Koraun pero ayaw niyang tagpuin ang mga mata ko.

Koraun chuckled on Lola's statement and brush his hair smoothly using his one hand. Habang ay isa ay nanatiling nakalahad kay Lola. Marahan na hinihintay niyang tanggapin nito iyon.

"Kaibigan pa lang po." nalaglag ang panga ko sa apat na salitang sinabi ni Koraun. Napasinghap naman ng mahina si Lola na parang hindi inaasahan ang sagot ni Koraun sa kanya. Pero agad rin nag-ayos ng tayo at naging istrikto ang tingin kay Koraun.

"Kapag naging boyfriend na po ako, hindi ko pa siya lolokohin. Fooling her is a suicide. Breaking her will be the reason of my death." I breathe massively after hearing Koraun's words. Lola's mouth separated in surprise at him. My heart twisted in mix flutter and awe because of him. Napakurap kurap ako dahil sa pamilyar na pakiramdam na kawalan ng hangin sa paligid kahit maraming puno rito.

I stared at the man where the words came from. Sumulyap siya sa akin at tinagilid ang ulo. Sumilay ang ngiti sa labi niya nang ilagay ni Lola ang kamay niya sa kanya para hayaan siyang makapag mano. Masuyo niyang nilagay ang kamay ni Lola sa kanyang noo pagkatapos ay binaba iyon ng marahan. Ingat na ingat siya sa paghawak ng kamay ni Lola na parang babasagin ito.

Gulat pa rin akong napatingin sa kanya at hindi mawala wala ang ngiti niya sa labi kahit na nakamasid si Lola sa amin ngayon.

"Astrid igiya mo ang bisita mo sa bahay natin." utos ni Lola at namimilog ang mga mata kong bumaling sa kanya. Seryoso lang ang mukha niya at iniwanan na kami. Laglag ang panga ko habang pinagmamasdan siyang papalayo sa amin.

Paanong ganoong kabilis nagpaubaya si Lola?

"Puwede ko na bang makita ang loob ng bahay, Astrid?" si Koraun at kumunot ang noo ko na para bang wala lang sa kanya ang mangyari. Mukhang hindi man lang kinabahan sa pag-uusap nila ni Lola.

Hindi ko na pinatagal pa dahil naawa na rin ako sa kanya dahil may dala pa pala siyang mabibigat na plastic bags. Iginaya ko na siya patungo sa bahay at nang nasa harap na kami ay kita ko ang paglibot niya ng mga mata sa buong paligid ng kabahayan.

"You're house is classic and the spanish style is quite alluring." aniya nang huminto kami sa pinto at pinihit ko ang doorknob para makapasok na kami.

"Namana ni Lola ang bahay na ito mula sa kaniyang mga magulang." simple kong sagot at napatango tango siya.

"Now I can understand why your Lola can't leave this house." saad niya na dahilan para kumunot ang noo ko. Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit ayaw na ayaw ni  Lola iwan ito maliban sa dahilan na may mga memorya ang pamilya niya rito. Hindi na muna ako nakapagsalita nang magtungo kami sa kusina para ilapag ang mga pinamili.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن