Kabanata 24

1.8K 99 4
                                    

Angels Move by Quantum Leaps

Kabanata 24:
Scream

"Happy 21st Birthday!" maligayang bati ko sa kanya ng tuluyan niyang magawang mabuksan ang regalo at nagpakita ang sketch pad ko. Halos kumunot pa ang noo niya kanina habang pinupunit ang balot dahil sinadya kong balutan iyon ng sampung beses.

Hindi ko alam kung nainis ba siya dahil ang tagal niyang makita iyon. Pero kita kong nawala rin ang pagkakunot ng noo niya ng tuluyan ng mahawakan ang sketch pad.

"You're really are good on teasing me." aniya at ngumiti lang ako sa kanya. Hinihintay na buksan niya ang regalo.

"Naiinis ka ba talaga?" tanong ko at umangat ang tingin ko para tignan siya. Nakita ko siyang ngumisi sa tanong ko.

"Oo, at alam mo kong saan ko binubuhos ang inis ko." aniya at mabilis na nag-init ang pisngi ko ng maalala ang paghalik niya kanina. Agad nawala ang ngiti ko sa labi at sinamaan siya ng tingin na ikanahalakhak niya lang.

Parehas kaming nakaupo sa nakalaang upuan ritonsa tapat ng fountain sa malawak nilang bakuran. Nasa tabi niya ako at halos magtama ang balikat naming dalawa dahil sa lapit namin. I'm still wearing his coat and he's still on his white polo shirt. Nakatanggal lang ang dalawang butones sa taas dahil naiinitan daw siya.

"See what's inside, please. I want to see your reaction." sabi ko dahil nawala na ngayon ang atensiyon niya sa regalo at nakatitig na naman sa akin.

"Okay." he said and lift the sketch pad to see it clearly. Kumalabog ang puso ko ng hawakan niya iyon at dahan dahang buksan. Sumalubong agad sa kanya ang unang imahe niya na iginuhit ko. It was a stolen shot where he's smiling. Alam kong simpleng litrato iyon sa kanya pero sa bawat titignan ko ang litrato na iyon, hindi ko mapigilang titigan siya sa ganoong kapayapang itsura.

"You draw this?" mukhang hindi niya inaasahan ang laman ng sketch pad at mukhang gulat pa ng makita ang sarili sa loob at mabilis akong tumango.

"Hmm, p-pangit ba?" tanong ko at biglang kinabahan sa reaksyon niya. Mabilis naman siyang umiling.

"Damn, baby its beautiful as you. So don't doubt about your work. I love it as how I love you." aniya at agad namang napaiwas ang tingin ko sa kanya at bumaba sa iginuhit ko dahil sa mabilis na pag-iinit ng pisngi.

"I want to hear your honest opinion." sabi ko at kita kong kumunot ang noo niya.

"Am I not honest on what I said?"

"H-Hindi ko alam, p-pero gusto ko yung totoong komento na hindi mo ako maisasama."

"That's hard baby. Gusto kong lahat ng sasabihin ko ay konektado sayo." aniya at mabilis naman akong napanguso roon.

"I want a literal comment and not a flowery one." utos ko at kinagat niya ang pang-ibabang labi at bumagsak ang tingin sa iginuhit ko. Inilipat niya ang pahina ng sketch pad at hindi makakalagpas sa paningin ko ang paghanga sa mata niya. The side of his lips curl and it grew more when he see the drawing of us together.

Iyong nakatingin ako sa camera at nakangiti habang siya ay nakatitig sa akin nang seryoso.

"Mukha akong patay na patay dito sayo." aniya at mabilis naman akong napasinghap sa sinabi niya. Hindi ko na talaga alam kung mukha na ba akong kamatis sa sobrang pag-iinit ng pisngi ko.

He chuckled when he see my reaction and I stunned when he place his right hand on my waist and pulled me closer to him.

"Sobrang ganda nito Astrid. Perpektong perpekto. I didn't know you're good at drawing too and not just on making me insane. Ang galing talaga ng girlfriend ko." he said and I immediately bit my lower lip to suppress my smile. Kunyaring wala lang iyon sa akin at tumango.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Where stories live. Discover now