Kabanata 21

1.6K 100 13
                                    

Kabanata 21:
Tonight

Tinignan ko ng mabuti ang naiguhit kong larawan ni Koraun sa sketch pad. Lumaki ang ngiti ko ng makitang naiguhit ko naman iyon ng maayos at maganda kagaya ng gusto ko. Parang nakikita ko mismo si Koraun sa harap ko mula sa guhit sa sketch pad.

Nilipat ko iyon sa pangalawang pahina na kakatapos ko lang iguhit kanina at hindi na mawala ang ngiti sa labi ko dahil nagawa kong matapos ang dalawa pang larawan niya. Habang nanatili ako rito sa clinic kasama si Demetrio.

Mabuti na nga lang at nanahimik na siya at hindi na nagsalita nang kung ano-ano pa pagkatapos kong magsalita kanina. Mukhang natamaan yata ng matindi sa sinabi ko.

"Koraun is not fond of drawings." Demetrio interrupted my thoughts. Mukhang nagkakamali ako ng akala na nanahimik na siya at mukhang magsisimula na naman ng panibagong argumento sa pagitan naming dalawa.

Bago ko siya pansinin at pagsalitaan ng pang depensa ay tinago ko muna ang sketch pad sa bag. Baka mamaya ay lumapit pa siya rito at agawin iyon sa akin, mahirap na. Maraming hirap at tiyaga ang binuhos ko para maisayang lang iyon kung sisirain niya. Nang masigurado ang seguridad ng sketch pad sa bag ko ay agad ko siyang hinarap.

"Hindi ko hinihiling na maging mahilig siya roon. Gusto kong bigyan siya ng simple pero kakaibang regalo." I said simply and give him a sly grin with my innocent face. The side of his lips curl up not because of smirk but because of irritation.

"You're fighting back now?" he said cockily and tilted his head and my eyes narrowed at him.

"Dinedepensahan ko lang ang sarili ko. Hindi ko alam na paglaban na sa iyon sayo." simple kong sinabi at nagkibit balikat sa kanya.

"Hindi ako makapaghintay na makita kang umiyak at sa pinakamahinang estado." bigla niyang inaba ang usapan at bahagya akong napasinghap roon. Hindi makapaniwala na diretso talaga niya iyong sinabi sa akin. Pero mabilis kong inayos ang sarili at ngumiti sa kanya.

"I think you'll just die on waiting." I said cockily and about to stand up so I can leave the room when the door creaked open. I can't take Demetrio personality anymore. I feel suffocated with him in one room alone. Nakakamatay siyang kasama sa pasensiya. Kahit ako na mahaba ang pagtitiis sa isang mortal, mukhang hindi siya kakayanin.

Sumalubong sa amin ang mukha ni Zenthus at akala ko sasarado niya na agad ang pinto ng pumasok kasunod niya. Si Koraun. My heart immediately thumped when my eyes landed on him. I gasped softly and bit my lower lip to suppress it. Ayokong maging halata ang reaksyon ko sa pagkakita sa kanya.

I feel my tummy swirl up when our eyes met and I immediately running out of breath. Seriously? Palala ng palala ang bawat reaksiyon ko sa bawat araw na lilipas. Huminga ako ng malalim at tumikhim.

Namalayan ko na nakatingin na pala sila sa akin lahat at agad na nag-init ang pisngi ko. Dahil mukhang halata na na kay Koraun agad ang atensyon ko. Naglakad siya patungo sa akin at mas lalo lamang rumahas ang pagkalabog ng puso ko.

"How are you?" he ask softly and hold my elbow gently. Zenthus whistled on his move and Demetrio just murmur a "Tss" and tore his eyes off us.

Malapit ko na talagang isipin na dahil galit sa akin si Demetrio ay dahil nagseselos siyang dalawa sa amin ni Koraun. Too possessive best friend huh.

"Ayos l-lang ako." napasinghap ako sa isip nang naramdaman ang panginginig ng tinig ko. Halos mahiya ako dahil kabado na naman ako dahil nandito si Koraun sa harap ko. Kailan ba ako hihinahon kapag nasa paligid siya?

Sinibukan kong tanggalin ang atensyon ko sa pagkakahawak niya sa siko ko dahil nagbibigay iyon ng elektrisidad na umiikot sa buo kong sistema ngayon. Tumingin ako sa kanya at sinubukang balewalain ang hawak niya pero patuloy lang nagwawala ang sistema ko.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant