Kabanata 9

2.1K 111 9
                                    

Kabanata 9:
Friends

Parang hangin lang na dumaan ang oras at tapos na agad ang pang-umagang klase ko. Nagsilabasan na ang ilan kong kaklase para sa Lunch. Nakaupo pa rin ako sa upuan dahil tinetext ko pa si Asaiah. I think I should not call him with his first name now. Ayaw niya pala ng tinatawag siyang ganoon bakit hinahayaan niya ako. Binuksan ko ang phone at nakita na meron na pala siyang mensahe roon.

Koraun:

I'm now on my way to your room.

Agad akong napangiti sa text niya na iyon at mabilis akong nagtipa para magreply.

Ako:

Okay, lalabas na ako.

Pagkasent ng text ay agad ko ng sinukbit sa balikat ko ang bag at humakbang papalabas. Kaso natigilan ako nang makita ko si Jessie na nakangisi sa akin. Akala ko nakaalis na siya, hindi pa pala. Lumapit siya sa akin at nilagay ang kamay sa balikat ko.

"Tara Lunch na tayo, may hinihintay ka bang kasama o si Asaiah iyang ka text mo?" nakangisi niyang tanong habang iginigiya ako patungo sa hallway at nakatingin lang ako sa mukha niya. She's very friendly and her smile is not fading anytime she's talking with me. Alam kong may nasira na ang tiwala ko sa pagkakaroon ng kaibigan pero wala namang masamamg balak itong si Jessie sa akin. Mukha naman siyang mabait.

"I'm sorry Jessie. May kasama na kasi ko sa Lunch e." nahihiya kong sagot sa kanya at nag-aalinlangan dahil baka ako ang hinihintay niya kanina kaya hindi siya umalis. Natatakot ako na baka maoffend siya. Pero mukhang hindi naman dahil lumaki ang ngisi niya sa labi.

"Oh siguro si Asaiah ang kasama mo no? Wala naman ng iba kasi siya pa lang ang kakilala mo dito." may pang-aasar niyang sinabi at nanliliit ang mga mata sa akin. Hindi ko alam kung bakit nag-init ang pisngi ko at tumango na lang sa kanya. Bumalanghit sa siya ng tawa sa reaksyon ko.

"Sige di bale, sa susunod na lang. Ipapakilala din kita sa mga kaibigan ko." aniya at tumango na lang ako sa kanya.

"Uh pasensiya na ulit."

"No need to say sorry, its fine. Sa susunod na lang." aniya at humiwalay na sa akin at pumunta sa harapan ko. Tinapat niya sa akin ang kamao niya habang nakangisi at tinignan ko naman iyon nang nagtataka.

"Uh.." hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

"Fist bump. Tamaan mo lang din tong kamao ko ng kamao ko. It is a sign of friendship!" maligaya niyang sinabi at ginawa ko ang inutos niya. Nang magtama ang kamao naming dalawa ay agad niya akong niyakap. My heart suddenly pounded. Namilog ang mga mata ko sa gulat. I don't know but this hug makes my heart feel warm. Maliban kay Lola at Koraun wala nang yumakap sa akin ng ganito kahigpit.

Nakatulala ako sa bigla niyang pagyakap ng makarinig ako ng mga yapak papalapit sa amin mula sa likod ko. A familiar scent attack my nostrils and my heart immediately recognized the owner of the scent. Napakapamilyar ng amoy niya na nakabisado ko na.

"Oh andiyan na pala. Oh siya iwan na kita Astrid. Andiyan na iyong sundo mo." mabilis kumalas sa pagkakayakap sa akin si Jessie at tumakbo na papalayo habang kumakaway. Napangiti na lang ako sa ginawa niya at inayos ang sarili bago humarap kay Koraun.

When I eyes met my heart twisted. It was always my reaction every time our eyes darted to each other that I'm use to this. He smile at me and my heart skip a beat. Huminga ako ng malalim at humakbang ng isa para lumapit sa kanya. Mas lalo lang lumala ang pagkalabog ng puso ko.

"Uh, maagang natapos i-iyong klase mo?" pagsisimula ko nang usapan at mas lalong umangat ang sulok ng labi niya at tumango sa akin.

"Uh Hmm. We just had an activity and I finish it quickly so I can come hear in time." marahan niyang sagot at tumango lang ako at napatingin muli sa mga kamay kong hindi mapakali ngayon. Lagi na lang akong ganito sa harap ni Koraun. I can't calm my insides and the nervous I feel can't fade.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon