Kabanata 17

1.9K 99 4
                                    

Kabanata 17:
Dinner

Nagtangis ang bagang ni Koraun at ramdam ko ang paghigpit ng kapit niya sa likod ko. He's giving his Dad a glare that's just smiling on him. His eyes were dark and hard to read. His lips are on a grim line. I always see this expression of him when he is mad or irritated.

Hindi ko lang alam kung bakit ganoon ngayon ang ekspresyon niya. Ramdam ko ang tensiyon sa pagitan nila at hindi ko alam kung bakit.

"Uncle, look like he's really hiding this even from you." nagsalita iyong Vaughn at mabilis na tinapunan siya ng matalim na tingin ni Koraun. Napalunok naman ako dahil sa tumataas na ang tensyon sa pagitan nila. Hindi ko talaga alam ang nangyayari. Pamilya sila hindi ba? Bakit mukhang hindi maganda ang hangin? Ang bigat.

"Shut up, Vaughn. You're starting to lost my patient." mariing sinabi ni Koraun at umawang ang labi ko. Ramdam na ramdam ko sa pagdiin ng boses niya ang panganib.

"Calm down, son. Let's end this conversation in peace. Especially for this lady's sake." bumaling sa akin ang ama ni Koraun at gusto kong magtago sa likod niya dahil sa lamig ng titig niya sa akin pero hindi ko man lang maigawang ihakbang ang paa ko para gawin iyon.

"Don't make me mad too, Dad." I gasped on Koraun statement and the old man gasped too. Gulat akong napatingin kay Koraun dahil sa sinabi niya at kita kong natigilan din ang matanda pero humalakhak lang kalaunan.

"I'm not into fight either, son. I just want to have a formal dinner with this lady to know her more. Pagbibigyan mo naman siguro ako hija?" tumingin sa akin ang Papa ni Koraun at ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko.

Bumaling din sa akin si Vaughn na ngayon ay may multo na ng ngisi sa labi at si Koraun na seryoso. Natigilan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya.

Umawang ang labi ko para sa akmang pagsasalita at huminga ako ng malalim para makalanghap ng hangin dahil nauubusan na ako. Tumingin ako kay Koraun bago dahan dahang bumaling sa matanda.

"S-Sa tingin ko hindi naman kailangan iyon. Walang magaganap na pagkakakilanlan dahil h-hindi naman kami nasa relasyon ni K-Koraun." hindi ko alam kung bakit nanginginig ang boses ko habang sinasabi iyon. Nakita kong mas lalong dumilim ang mukha ni Koraun kaya mas lalo akong nag-alala.

Kita ko namang natigilan si Vaughn at ang Papa ni Koraun pero nakita ko na lang na umangat ang labi nila at sabay silang humalakhak.

"I don't think we need the confirmation from you hija. Its really obvious actually that you two..." hindi naituloy ng matanda ang sasabihin ng marinig ang pagtikhim ni Koraun.

"Pero gusto ka pa rin naming makasama kahit walang kompirmasyon, hija. You're going to agree to my invitation, don't you?" tanong pa ng Papa ni Koraun at muli akong natigilan.

Hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng imbitasyon mula pa sa ama ni Koraun para makilala ako. Kung gayong isa lamang akong malapit na kaibigan ni Koraun. Inisip ko kung sila Demetrio, Zenthus, Calum and Harper ay naimbitahan rin ba sa ganitong paraan ng pamilya ni Koraun.

I bit my trembling lips because of the tension I'm feeling with all of their stare. I raise my head and look at Koraun.

"A-Ayos lang naman, h-hindi ba?" tanong ko sa kanya at nakita kong agad siyang napapikit ng mariin at bumuga ng malalim na hininga na parang mali ang ginawa ko. Rinig ko naman ang pagtikhim ni Vaughn at ang paghalakhak ng ama ni Koraun.

Gusto kong sa kanya muna ito sabihin dahil sa tingin ko dapat ko pa ring ibigay sa kanya ang pinal na desisyon kung hahayaan niya akong pumayag sa imbitasyon ng ama niya.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Where stories live. Discover now