Kabanata 10

2K 110 1
                                    

Kabanata 10:
Find

Tahimik lang akong nakaupo sa upuan ko habang  maingay naman ang buong klase. Katabi ko si Jessie at nakatunghay lang din sa akin. Labing limang minuto na kaming nakaupo rito pero wala pa rin ang guro para sa asignatura na ito.

Dito pa naman ako dumiretso pagkatapos ng Lunch nang maihatid ni Koraun. Seryoso siya kanina at hindi ko na nakita pang ngumiti dahil siguro sa nangyari kanina. Guilty naman ako para kay Zenthus.

"Mukhang hindi na darating si Mr. Castillo. Maaga yata tayong uuwi ngayon ah." si Jessie at humihikab at niyuko ang ulo para ihilig iyon sa mga braso niya.

"Pero hindi tayo pwedeng umalis di ba? Bawal 'yon." saad ko at nagkibit balikat lang naman siya.

"Depende. Kung may pinagbilininan na sub. Sana hahayaan tayong umuwi para masaya!" aniya at sinubsob na ang mukha sa lamesa. Napabuga naman ako ng hangin.  Tatlong oras pa naman kami sa asignatura na ito at ito na ang huling klase ko bago ang uwian kaya naman kapag wala talagang guro ay wala talaga akong gagawin.

Maingay ang klase ng bigla silang tumahimik nang may pumasok na mukhang sub teacher. Napaayos din si Jessie ng upo nang maramdaman ang katahimikan.

"Good Morning, 12-C Mr. Castillo isn't around tonight for some business matters. Kaya naman binilin niya kayo sa akin. You just need to sign this attendance and you can go." mahinahong paliwanag na saad ng babae. Nag hiyawan naman ang ilan kong kaklase dahil sa huli niyang sinabi.

"Kaya gusto kong si Ms. Trinidad ang sub eh!" tuwang tuwang ani Jessie at nakipag gulo na sa iba para makapirma sa attendance. Akala ko nagmamadali lang talaga siyang umuwi. Pero nagulat ako nang makuha niya na ang attendance at paunahin pa akong pumirma kaysa sa kanya. Pagkatapos niya ay agad akong kinaladkad palabas.

Gulat akong napabaling sa kanya dahil akala ko ako ang huling makakapirma sa attendance pero nakangisi lang siya sa akin.

"Sabay ba kayo ni Asaiah na uuwi?" tanong niya habang naglalakad kami sa hallway. Hawak niya ang braso ko at wala akong ideya kung saan kami pupunta.

"Uh... oo kaso mukhang maghihintay pa ako sa kanya. Kasi hindi inaasahan na maaga ang dismissal ko." saad ko at napatango tango naman siya habang nakangisi sa akin.

"Alam ko namang ma sekreto ka kaya hindi na kita tatanungin kung ano ba talaga kayong dalawa. Hihintayin ko na lang na magsabi ka sa akin." nakangiti niyang sinabi at muli akong hinatak. Pero hindi ako nagpatianod dahil hindi ko alam kung saan ba kami tutungo.

"Saan ba tayo pupunta?" nakakunot ang noo niya nang hindi ako sumunod pero umangat ang sulok ng labi ng marinig ang tanong ko.

"Pupunta tayong college building. Pupuntahan natin iyong Asaiah mo!" maligaya niyang saad at natigilan naman ako.

"College building?" kunot noo kong tanong dahil hindi ko naman alam na naroon pala si Koraun. Alam ko namang mas matanda siya sa akin pero hindi ko maiwasang magulat dahil nasa ibang building na pala siya.

"Don't tell me hindi mo alam na college iyang lumalandi sayo?" napasinghap ako sa sinabi ni Jessie pero mas lalo lang siyang natawa nang makita ang gulat kong reaksyon.

"Hindi ba bawal ang mga highschool don?" nag-aalinlangan kong tanong. Hindi pinansin ang sinabi niya kanina.

"Ano ka ba! Huwag kang mag-alala doon. Ka close ko iyong guard. Saka madalas ko na tong ginagawa kapag nag bo-boy hunting ako." aniya at muli akong hinila ngayon. Napasunod na lang ako dahil alam ko na kung saan kami pupunta.

"Boy hunting?"

"Yep, naghahanap ako ng makakalandian. Wala akong boyfriend kaya bored ako. Huwag kang mag-aalala sasama lang kita. Baka mapagalitan ako ni Asaiah kapag nalaman niya."  aniya at nakangisi pa sa akin habang naglalakad kami. Hindi na ako sumagot at hinayaan na siya sa gusto niya. Wala rin naman akong gagawin.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Where stories live. Discover now