Kabanata 14

1.8K 107 0
                                    

Kabanata 14:
Friendship

Ramdam ko ang banayad na simoy ng hangin na dumadaan sa akin. Nililipad ang ilang hibla ng buhok ko patungo sa mukha ko dahilan para matakpan ang paningin ko. Hindi ako gumalaw para ayusin iyon, dahil pakiramdam ko ang buhok ko na mismo ang ayaw magpakita sa akin ng tanawin na minamasid ko ngayon.

Galak at bakas na bakas ang kasiyahan sa mga lumilipad na anghel sa kalangitan. Rinig na rinig ko ang tuwa nila na nagpapasikip ng dibdib ko.  Ang ganda ganda ng sikat ng araw pero hindi ko maramdaman ang init dahil sa nanlalamig kong puso. I ask myself multiple times.

Bakit kailangan kong manatili rito kasama ang mga nilalang na ito na iba sa akin?

Yes, I have the half blood of being an angel but that's not enough reason to stay here and live with them. Seeing their wings and halos just make me feel that I don't really belong here. Natigil ako sa malalim na pag-iisip ng may mga kamay na dumapo sa pisngi ko. Hinawi ang hibla ng buhok na tumatakip sa paningin ko at iniligay sa gilid ng tenga ko.

"You're thinking about dark thoughts again? You shouldn't do that, its a bad trait for being an angel." napasinghap ako ng marinig ang malambot na tinig ni Heather na parang musika. Natigilan ako at ngumiti naman siya sa akin at tumabi sa akin.

"Hindi naman ako purong anghel." mahina kong sagot at nanliit ang mata niya sa akin.

"You are!"

"Kalahati lang ng katauhan ko."

"But still you are. You have a great strength compare to us. That's what makes you special here." nakangiti niyang saad at nagulat ako ng akbayan niya ako at tiningala ang tingin ko sa langit.

"Espesyal? Kaya ako iniiwasan ng ibang anghel. Isa ka lang sa kaunting kumakausap sa akin." mahina kong saad at sandaling nawala ang ngiti niya pero mabilis din naman na bumalik.

"Natatakot lang sila dahil malakas ka. Mukha ka kasing nakakatakot, ngumiti ka kasi para lumapit sila sayo!" saad niya sa akin at hinawakan ang pisngi ko para igalaw ang labi ko. Napaigik naman ako sa sakit dahil sa ginawa niya at hinawakan ang kamay niya para pigilan.

"Ganito oh, ngiti. Ngumiti ka. Ilabas mo naman iyang mapuputi mong ngipin!" saad niya at pinakita sa akin kung paano. Nilabas niya pa ang ngipin niya para gayahin ko at hindi ko alam pero napangiti na lang ako dahil sa itsura niya.

"Ayan, sa wakas ngumiti ka! Hindi na sila mag-aalangan na lumapit sayo!" maligaya niyang saad at ngumiti ng mas malaki sa akin. Natigilan ako sandali at naramdaman ko ang pagkalabog ng puso ko. Napatitig na lang ako sa nakangiting si Heather at kusang umangat ang sulok ng labi ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya para tignan ang mga anghel ngayon na lumilipad.

Kahit nalulungkot ako na makita ang tanawin, kahit kailan hindi ko maipagkakaila na humahanga ako sa bawat pagkakataon na makita ko silang nilalabas ang mga puti nilang mga pakpak. Mas lalong lumaki ang ngiti ko at muling bumaling kay Heather pero natigilan ako ng makitang wala na siya sa tabi ko. Mas lalo akong natigilan nang biglang nag-iba ang mala paraisong paligid.

Sa isang iglap nakita ko na lang ang sarili ko sa mapunong lugar na pinakapamilyar. Na ayaw ko nang balikan. May humawak sa braso ko kaya bigla akong napabalikwas pero agad na kumalma ng makita si Heather. Pero umawang ang labi ko ng makitang umiiyak siya.

"H-Heather." nanginig ang boses ko at sinubukang hawakan siya pero bigla siyang lumayo. Biglang dumilim ang buong lugar at nagkaroon ng malalaking apoy ang paligid. Napasinghap ako at nanginginig ang mga kamay na sinubukang abutin si Heather, pero parang kay layo niya na hindi ko siya magawang maabot kahit pilitin ko.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Where stories live. Discover now