Ending

170 6 0
                                    

Bata pa lang ako iniwan na kami ni Papa

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

Bata pa lang ako iniwan na kami ni Papa. Hanngang ngayon naaalala ko pa rin ang nangyari noon.

Nasa kwarto ako nang may narinig na basag ng plato dahil inihagis ito ni Papa sa pader. Nagtago ako sa ilalim ng hapagkainan.

"Ano? Iiwan mo kami ni Jared dahil sa ibang babae?! Putangina mo!"

"Oo, Terecia! Iiwan ko kayo! Wala naman kayong silbi eh! Hindi ko nga alam bakit kita pinakasalan!"

Narinig ko and iyak ni Mama.

"Aalis na ako," si Papa.

"J-Jeremey! W-Wag mo kaming iwan! Hindi ko kaya buhayin ang anak natin na mag-isa!"

Halos lumuhod na si Mama noon, nagmamakaawa na sana ay hindi na kami iwan ni Papa.

Sa murang edad natutunan kong kahit gaano mo pa kamahal ang tao, kahit ibigay mo na sa kanila ang lahat iiwan ka pa rin nila. From that day on, I promise to myself to never be like my father. I will work hard. Ipapakita ko sa kanya na nakaya namin na wala siya.

Simula noon hindi na nagpakita si Papa kaya laking gulat ko noong nakita ko siya sa graduation ko sa senior high.

"Congrats, anak! Nabalitaan ko rin na nakapasa ka ng UPCAT! Ang talino mo talaga, mana sa akin!"

Inakbayan niya ako at agad ko itong hinawi. Today is supposed to be a beautiful day but this man ruined it.

"Anong ginagawa mo dito?" ani ko sa malamig na tono. Napawi ang kanyang ngiti at lumambot ang kanyang ekspresyon.

"Jared, anak... alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyong dalawa ng Mama mo. Patawarin mo ako, anak."

I scoffed. He's got to be kidding me!

"Patawad? Hindi ka karapatdapat patawarin! Umalis ka na nga!"

Malungkot siyang umalis. Alam kong mali ang inasal ko sa kanya dahil kahit papaano ama ko pa rin siya pero galit ako. Galit ako dahil bakit ang dali lang sa kanya bumalik? Samantalang kami noong iniwan niya halos wala nang pera. Hindi kasi sapat ang sweldo ni Mama para tustusan ako. Meron naman kaming mga kamaganak na tumulong pero dahil sa hiya ay tinanggihan na.

Kakatapos lang ng game noong tumawag si Mama.

"Hello, Ma? Bakit? Anong nangyari?"

"A-Anak... umuwi ang Papa mo at... tinanggap ko siya. P-Patawarin mo ako."

Sumikip ang aking dibdib nang umiyak si Mama pero mas nanaig ang aking galit.

"Ma! Nakalimutan mo na ba ang nangyari noon?!"

"I-I'm sorry, anak..."

Patuloy pa rin siya sa pag iyak. Pinutol ko na ang tawag at tumawag naman si Luca. Galit na galit ako sa lahat ng nangyayari.

Admiring Him From Afar (Amor Joven Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu