Chapter Twenty-Seven

52 4 1
                                    

"Love, kinakabahan ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Love, kinakabahan ako. Baka hindi ko kayanin. Mad-disappoint ko lang sila Mama at Papa."

Jared held my hand and squeezed it gently.

"Hinding hindi yan mangyayari. Kakayanin mo 'to. Hindi ka magiging disappointment. You'll make your parents proud. And I'm here, by your side. Kaya natin dalawa 'to."

I wrapped my arms around him and he did the same. We stayed in that position for awhile then we decided to head out and go to University of the Philippines Diliman for our first day.

When I set foot at the campus my heart is beating erratically lalo na nang naglalakad na kami papunta sa room ko.

"Nandito na tayo. You got this, okay? Kung may mangyari mang masama, call me and I'll immediately come."

Tumango ako at matapang na ngumiti. Hinalikan niya ang aking noo bago siya umalis.

Kaya ko 'to. Kaya ko 'to. Kaya ko 'to. Pauilit-ulit kong sinabi sa aking isip nang papasok na ako sa silid.

"Chie, halika dito! Tabi tayo!" si Luca, may malaking ngiti sa kanyang mga labi.

Pumunta ako sa upuan at umupo sa tabi niya. Thank goodness, Luca is here. May kakilala na ako kahit paano. Buti nalang din at nag kita kami ni Luca noong registration kaya halos magkaklase kami sa lahat ng subjects. Luca is smart. Mabait rin siya although she is kinda intimidating but overall she's good. Or maybe I think like that because she's my friend.

The week gone by fast. Hindi ko rin namalayan na isang linggo na akong nagaaral sa UP. At tama nga sila. When you study in UP, mababaliw ka talaga. You'll face hell. And I experienced both. Pakiramdam ko mababaliw na ako sa dami ng pinapagawa ng mga Professor ko. And to think that it's still the first week.

"Gosh, I need to sleep! First week pa lang pero grabe na!" si Luca pagkatapos ng last subject namin.

"Hey, guys! It's a friday night and we're going to party. Sama kayo?" aya ng isang classmate namin.

"Sorry but that's not my scene. Maybe next time." si Luca.

Tempting as it sounds tumanggi na rin ako dahil sa pagod.

"Ako rin. Pass muna. Gusto ko na rin kasing magpahinga."

Tumango siya at ngumiti.

"Just message me on messenger when you change your mind. Bye!"

Nag paalam na rin kami ni Luca sa isa't isa dahil sobrang pagod na talaga kami. Pag dating ko ng condo wala pang tao. May ginagawa pa siguro si Jared kaya natulog nalang ako.

"Love, wake up," I heard him whisper. I opened my eyes and Jared smiled sweetly.

"Nag luto ako ng adobo. Your favorite! Kain na tayo."

Ngumiti ako ng malaki. Agad akong pumunta sa dining table at kinain ang adobong luto niya.

"Ang sarap!"

Admiring Him From Afar (Amor Joven Series #1)Where stories live. Discover now