Chapter Twenty-Three

49 7 0
                                    

Sa mga sumunod na mga araw ako o si Ate Ciena ang nag aalaga kay Mama sa ospital

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa mga sumunod na mga araw ako o si Ate Ciena ang nag aalaga kay Mama sa ospital. Bumibisita naman si Papa kung meron siyang bakanteng oras. Bumalik na si Kuya Calvin sa Davao dahil nagsisimula na ang pasukan nila. Ang aking mga pinsan ay kagaya ko August pa ang klase.

"Chie, kami na muna ang mag aalaga kay Tita ngayon. You've been here for five days. Umuwi ka na muna," si Ate Valerie kasama niya si Ate Vea at Kuya Vico.

I gave her a weak smile and nodded. Hindi na rin ako madalas umuuwi dahil hindi napapanatag ang loob ko kung hindi ako ang nag aalaga kay Mama. Hinatid ako ni Kuya Vico sa bahay.

"Thanks, Kuya. Ingat ka pabalik."

Bababa na sana ako nang nagsalita siya.

"Just hang in there okay? Keep on fighting. Nandito lang kami para sayo."

Tumango ako at ngumiti sa kanya bago bumaba. Pag pasok ko ng bahay walang tao at madilim ang paligid. Malapit na rin kasing maghahating-gabi. Dumeretso ako sa aking silid. Matutulog na sana ako nang tumunong ang aking cellphone.

Jared:
Hey, love! I know your asleep now I just want you to know that I miss you so so so much ❤️
Let's go on a date tomorrow!!

Chie:
Hi love, babantayan ko pa kasi si Mama bukas sa ospital

Jared:
Bakit? Anong nangyari kay Tita?

Sa lahat ng nangyari nakalimutan ko si Jared. I forgot that I have a boyfriend kaya nag facetime kami at kinuwento ko sa kanya ang nangyari.

"I'm so sorry to hear that, love. Bakit ngayon mo lang 'to sinabi?"

I smiled sadly. "Nakalimutan ko kasi. Sorry talaga."

He smiled but the sadness is evident in his eyes.

"Nakalimutan mong may boyfriend ka? Grabe ka naman love! Nagtatampo na ako sayo!" sabi niya na parang bata.

"Jared, I'm so sorry. Nag-guilty na nga ako ngayon eh. I promise hindi na 'to mauulit."

He chuckled. "Let's go on a date tomorrow and it's your treat! Tapos puntahan natin si Tita sa ospital."

Mabilis akong tumango at ngumiti. "Okay, let's do that! Matulog na tayo."

"Okay but before you end the call may sasabihin ako."

I remained silent so he continued.

"I know your father and your family doesn't approve of us, but I will do my best to gain their trust because letting you go will never be part of my plan."

What he said made my heart melt.

"I love you."

"I love you too. Rest now, love. See you tomorrow!"

Admiring Him From Afar (Amor Joven Series #1)Where stories live. Discover now