Beginning

557 19 18
                                    

I woke up early today, as usual

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I woke up early today, as usual. Our class starts at 7 in the morning so I need to get up early pero wala naman kaming pasok ngayon dahil starting today and for the next 3 days is our high school days. Papasok lang ako ngayon para kumpletuhin ang aking mga projects at compilations. 

And today is the day that all of the students in my school have been waiting for. Tonight is going to be a big night. Miss Pearl... Isa itong prestigious pageant na nangyayari every year in our school.

Naglalakad ako ngayon patungo sa aming classroom. Pag dating ko agad bumungad sa akin ang napakaingay kong mga kaklase. Marami ng mga guro nag walk out dahil sa tigas ng ulo namin pero no effect pa rin!   

"Chie! Hi!" ani Kiana nang nakaupo na ako sa aking upuan. She immediately pinched my cheeks. She always does that. Nakakirita nga eh! Dahil ayokong may humahawak sa pisngi o sa ano mang parte ng mukha ko pero pinagbibigyan ko nalang. Anong magagawa ko? I just rolled my eyes at her.

"Hoy! Ano yun? Why are you rolling your eyes at me?" she said while holding her chest, acting hurt.

Inirapan ko siya ulit. This time she rolled her eyes at me too. 

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa katabi kong si Barbie.

"Nandito ka na pala? Hindi kita napansin."

Isa din 'tong si Barbie. Wala siyang pake sa mga bagay-bagay. Nakakairita din ang isang 'to. Hindi ko na siya pinansin at nag simula na sa compilations ko sa science, math at filipino at ang project namin sa values education.

It was already past 11 nang natapos ako sa lahat. I stretched my arms. Thank God I'm done!

"Saan tayo kakain ng tanghalian?" dinig kong tanong ni Elle.

Napatingin kaming lahat kay Barbie. Siya kasi ang palaging nag dedesisyon. Kasi kung kami naman palaging 'kahit saan' lang ang sagot kaya waley!

"Sa bookish nalang," aniya.

"Bookish it is," si Sam bago nag ayos ng kanyang mga gamit.

Papalabas na kami ng school nang tumawag ang papa ni Alex. May biglaan daw silang lakad.

"Text nalang ako sa inyo!" aniya at kumaway bago pumasok sa kanilang sasakyan. 

Habang naglalakad kami patungo sa Bookish biglang napahinto si Kiana. Tinignan ko siya galing sa aking likuran. 

"Tatanga ka na lang ba dyan?"

"Nakalimutan kong sasamahan ko pala si grandma kakain ng lunch today."

"Saan kayo kakain?" tanong ni Elle.

"Sa Mall."

Tumango kami at nagpatuloy sa paglalakad hanggang umabot kami sa Bookish.

"Sorry talaga guys. Text me nalang kung saan kayo pupunta after niyong kumain."

"Okie! Bye!" si Elle.

Admiring Him From Afar (Amor Joven Series #1)Where stories live. Discover now