Chapter Thirteen

57 8 0
                                    

Pagkatapos namin sa department store ay bumili na kami ng tickets

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Pagkatapos namin sa department store ay bumili na kami ng tickets. Patapos na ang pelikula at grabe ang luha ko! Ang ganda ng movie!

"Smile!" ani Jared at kinunan ako ng litrato.

"Stop!"

He laughed and didn't listen to what I said. I tried covering my face with my hand pero hinawi niya ito. Inirapan ko siya at nag punas ng luha.

"Ito naman hindi mabiro!"

Natapos na ang pelikula at nagsialisan na ang mga tao. Nag lakad na ako palabas ng sinehan, iniwan siya.

"Chie!" tawag niya pero hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy akong naglakad palabas. I felt his hand on my arm. I looked at him. He's catching his breath.

"Okay ka lang?" nagalala kong tanong.

He looked at me and smiled. "Ayan! Nakuha ko na ang atensiyon mo!"

I realized that it was all an act! Binatukan ko siya.

"Aray!" daing niya.

"You deserve that."

He smiled sheepishly. "Pwede na 'ba akong maging artista?"

I rolled my eyes again.

"I like it when you roll your eyes," aniya at inakbayan ako. He pinched my cheek.

"Aray! Masakit!"

"Sorry, ang cute mo kasi!"

I smiled at him. Kumain kami sa isang fast food chain. Nagtatalo na naman kami kung sino ang magbabayad.

"Ako na, ikaw kaya ang nag bayad kanina."

Jared shook his head. "No. Ako ang nagaya na mag date tayo kaya ako magbabayad."

"May pera naman ako eh!"

Nag puppy eyes ako. "Fine," pagsuko niya. I chuckled and ordered our food. Over dinner we talked about random things like why did he even ask me on a date when we're not even a couple yet.

"Alam ko namang sasagutin mo ako kalaunan kaya bakit hindi tayo mag date?"

"Wow! Ang confident ng gago!"

Tumawa siya. "Just stating facts, love."

Tumawa ako sa endearment na ginamit niya. "Love? Seryoso? 'Di pa nga tayo, may endearment ka na sa akin."

He shrugged and smiled. "Prepared ako eh."

I can't help but smile. Pagkatapos namin kumain ay hinatind niya ako sa bahay.

"Thank you for today. I had fun!"

Ngumiti ako. "Thank you din. Ingat ka sa pag uwi mo." 

I tiptoed to reach his cheek and kissed him! Agad akong pumasok sa loob ng bahay. Pumasok ako ng silid ko at umupo sa sahig. My heart is still beating wildly. I smiled remembering the kiss.

Admiring Him From Afar (Amor Joven Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن