Chapter Sixteen

49 4 0
                                    

Buong gabi ako gising

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Buong gabi ako gising. Kahit isang minuto, hindi ako nakatulog. I tried texting Jared but he won't reply. When I saw the sun rose through my window, I felt the need not to go out of my room.

It's like a battlefield. Kung lalabas ako, malaki ang tyansang masasaktan ako sa mga balang pinapatamaan nila. Ayokong pumasok pero kailangan. I need to talk to Jared.

Nag ayos na ako at handa na pumasok sa eskwela. I was hoping that I won't see my father in the dining table but who am I kidding? Alam ko namang hihintayin ako ni Papa lumabas para ipagpatuloy ang sermon niya sa akin.

Lumabas na ako ng silid at ang bumungad sa akin ang aking pamilya sa hapag kainan.

"Good morning, anak! Breakfast?" ani Mama sa masayang tono.

Umiling ako. "No thanks, Ma."

Lalabas na sana ako ng bahay para hanapin si Manong Ben nang tinawag ako ni Papa.

"Chandra," mahinahon ngunit matigas ang pag tawag niya. Just like the tone he used last night. Calm but deadly.

"Kumain ka. We have some matters to talk about."

"Hon..." tawag ni Mama kay Papa. "Tama na. Let our daughter go."

Malambot na tumingin si Papa kay Mama. Hinawakan niya ang kamay ni Mama at bumuntong-hininga. Walang ibang nagawa si Papa kundi tumango.

"Pumasok ka na sa paaralan, Chandra."

My siblings just looked at me as I exit my way out of the battlefield. Hinatid ako ni Manong Ben sa paaralan. Hindi niya ako tinanong tungkol sa nangyari kagabi. Buti nalang at hindi siya chimoso.

Nang naitapak ko ang aking mga paa sa school, isa lang ang taong nais kong makita at makausap. The girls asked if I was okay and I just nodded. Ayokong pag usapan ang nangyari kagabi.

"Let her be muna," I heard Irene say to the group. I smiled at them. The whole day, I stayed silent. And I appreciate that they understand me.

"CR muna ako," paalam ko.

Nang nakalabas ako sa cubicle nakita ko si Sam at Barbie. I smiled to the both of them but they ignored me. Wala ako sa mood makipagusap kaya 'di ko na sila sinunod. Nag hilamos ako at tumitig sa sarili sa salamin. I whispered encouraging words to my reflection. When I regained my energy, I went out of the restroom.

Pag labas ko nakita ko si Jared kasama ang mga kaibigan niya. Masaya silang nagk-kwentuhan. I looked at him and I smiled. Tumingin siya sa akin pero walang ekspresyon ang kanyang mukha. Nag iwas ako ng tingin at tahimik na lumagpas sa grupo nila.

It's like back to square one. Maybe in this lifetime, I will always admire him from afar.

Bumalik na sa Davao ang aking mga kapatid at pinsan. Halos mag isang buwan na rin noong huli kong nakausap si Jared. I kept on texting him but he won't reply. In school, I pretended that I was okay.

Admiring Him From Afar (Amor Joven Series #1)Where stories live. Discover now