Chapter Seven

76 9 2
                                    

Monday na naman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Monday na naman. Hindi pa ako ready sa exam pero kakayanin. Pag pasok ko sa aming silid ay maingay pa ang aking mga kaklase. Bigla silang natahimik.

"Oh, ba't kayo biglang natahimik?" tanong ko.

Lumaki ang mga mata ni Alexina habang si Barbie naman ay pinipigilan ang sarili tumawa. Tinuro ni Elle ang likod ko kaya tinignan ko anong meron.

"Ma'am, kanina ka ba dyan?" tanong ko sa aming guru. Trying to act normal even though my heart was already pounding.

"Umupo ka nga, Del Rio."

Agad na akong umupo sa aking upuan. Mahirap na baka magalit at doon pa ako sa labas mag exam eh ayoko naman nun!

Binigay na ng aming guru ang mga test papers kaya nag simula na kaming sumagot. Si Elle ay iritang irita na kay Barbie dahil palagi niyang sinisipa ang upuan niya at magtatanong kung ano ang sagot eh ang selfish pa naman nito pagdating sa mga exams. Si Alexina naman hindi nakikinig sa kanya kaya sa 'kin siya nagtanong.

"Psst! Chie! Anong sagot ng number 13?" bulong ni Barbie.

Tumingin ako sa kanya at sininyasan siya ng number 1 gamit ang aking kamay. Number 1 means A, 2 is B, 3 is C and 4 is D.

She mouthed thank you and smiled.

"Good morning, Ma'am!"

"Sullivan, late ka na naman!"

"As always! Hindi ka pa ba sanay, Ma'am?" ani Kiana habang tumatawa.

Barbie chuckled. Tinignan siya ng aming guru.

"Anong ningingiti ngiti mo dyan, Panganiban?"

Napakamot sa batok si Barbie.

"Nothing, Ma'am." aniya habang ngumingiti pa rin.

Bumalik na lang ako sa pagsasagot. Umupo na si Kiana sa kaliwa ko. Maya-maya ay ako na naman ang kanyang inistorbo.

"Wa'g mo nga akong istorbohin!"

"Hoy! Lilibre kita ng milk tea, deal?"

Ngumisi ako at nag okay sign. "Deal! Anong number?"

"Del Rio and Sullivan! Anong ginagawa niyo?"

Nanlaki ang aming mga mata at agad binalik ito sa aming test papers.

"Eh kasi itong si Chie, Ma'am hindi pinapansin ng crush niya kaya nanghihingi sa akin ng advice."

Tinignan ko ng madilim si Kiana. "Patay ka sa akin mamaya," I mouthed. She just smiled sheepishly.

"Mamaya niyo na yan ituloy."

We both nodded and went back to answering. Alas diyes y medya natapos ang aming exam. I stretched my arms when we got out of our room.

"Finally! We're done!"

Admiring Him From Afar (Amor Joven Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon