Chapter Fifteen

54 5 0
                                    

"Kinakabahan ako," si Jared nang sinundo ko siya sa gate ng bahay namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kinakabahan ako," si Jared nang sinundo ko siya sa gate ng bahay namin. "Marami 'bang tao?"

"Just the whole family."

Tumango siya, kabadong-kabado pa rin. Papasok na sana kami sa loob nang hilahin ako ni Jared. Mahina akong tumawa.

"Ano ka 'ba, you'll be fine. Hindi naman mangangagat ang mga yan."

"Still... Pamilya mo sila. I want my first impression to be perfect."

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.

"Nandito lang ako."

Ngumiti siya pabalik. Pumasok na kami sa loob. Ang unang nakita namin ay ang aking mga pinsan. Naliligo sila sa pool.

"May pool kayo?!"

Tumawa ako sa reaksiyon niya.

"Ang cute mo!"

Pumula ang mga pisngi niya. Ang cute talaga ng boyfriend ko!

"Ate!" sigaw ni Colin.

"Hi, baby!" Niyakap ko siya at may binulong. "Jared is my boyfriend now."

He's eyes became wide. "Hala! Weeh?"

Napatawa ako ag tumango.

"Kuya Jared, finally! You have the guts na to tell my Ate about what you feel!"

Nanlaki ang aking mga matang tumingin kay Jared. He chuckled and messed Colin's hair.

"Anong sinasabi ni Colin?"

"Sinabi ko sa kanya na may gusto ako sayo noong nagkita tayo sa convenience store."

Napangiti ako sabay tango. "Yun pala ang sinabi mo..."

"Hi, Jared!" bati ni Ate Valerie.

Colin turned to her. "Ate Val, sabi ni Ate Chie sila na raw."

"Sinagot mo na siya, Chie?!" si Ate Ciena.

"Bakit 'di namin alam?!" si Kuya Calvin.

"Guys, chill!" si Ate Vea. I mouthed her a thank you and she just smiled.

"Chie! We're dying in curiosity here!" si Ate Monica.

Huminga ako ng malalim. Sasagutin ko na sana ang tanong nila pero naunahan na ako ni Jared.

"Kami na po ni Chie."

I looked at him and grinned. Tumili ang aking mga babaeng pinsan. Si Jared ang sumagot sa lahat ng tanong nila.

"Since when?" si Kuya Joe.

"Noong September 12 po."

"Omg! Omg! I cannot!" tili ni Ate Monica.

"Kinikilig ako!" si Ate Ciena.

Ang OA talaga ng mga 'to! Bumalik na sila sa pool pero nanatili si Kuya Calvin.

Admiring Him From Afar (Amor Joven Series #1)Where stories live. Discover now