CHAPTER 34

834 49 6
                                    

CHANGE OF HEART
Written by SomeoneLikeK——————————————————
CHAPTER THIRTY-FOUR
Kane

Ayoko na sa bibig ko manggaling ang totoo. Dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula para maintindihan niya ako. Ayoko na magbago ang tingin niya sa akin, sisihin niya iyong sarili niya bigla o mag-alala siya ng sobra.

Pero sino ang sasagot ng 'ayoko' sa mga mata niyang nakikiusap? Hindi ako puwedeng manahimik habang buhay, kung alam ko sa sarili ko na nahihirapan siya ng ganito.

Hinila ko si Chris papunta sa sala saka ko siya pinaupo sa sofa. "Magsasalita ako kung mangangako ka sa akin na wala kang pagsasabihan tungkol sa mga sasabihin ko sa'yo ngayon. Kahit ang Mama mo o ang Ate mo. Malaki ang tiwala ko sa'yo, Chris. Kaya kung sasabihin mo na mananahimik ka, maniniwala ako."

Mabilis na itinaas ni Chris ang kanang kamay niya. Seryoso siya, ramdam ko. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi siya magaling magsinungaling. Madali mahalata sa kanya kapag mayroon siyang itinatago.

"Promise. Hindi ko sisirain ang tiwala mo, Kane."

Pinisil ko ang kamay ni Chris para humugot ng lakas ng loob. Sa haba ng panahon na nanahimik ako, hindi ko akalain na darating ang araw na ito. Wala naman noon sa plano ko ang lapitan siya ulit, kaya hindi sumagi sa isip ko na balang araw, sa akin niya malalaman ang totoo.

"Bata pa lang ako nang maging member ako ng Peculiar Dragons. Inuutusan nila ako na makinig sa usapan ng mga kaaway nila kapag may meeting outside the office. Isang beses, pareho kami ng pakay ng Papa mo sa isang group. Pareho kaming nakinig para sa isang mahalagang impormasyon. But I was caught and your father saved me."

Halata ko sa mukha ni Chris na parang ang dami niyang gustong itanong sa akin, pero pinipilit lang niyang manahimik at makinig. Saludo ako na pinili niyang maghintay na matapos akong magpaliwanag bago niya ako paulanan ng maraming tanong.

"Dinala ako ni Christof sa office niya para paaminin kung kaninong group ako kabilang. Masyado siyang makulit kaya napaamin niya ako."

Chris nodded. Mukhang sumasang-ayon siya sa akin na makulit ang Papa niya.

"'Tapos, pinangaralan niya ako na parang siya iyong Tatay ko. Ano raw ang pumasok sa isip ko at naisipan kong sumali sa isang mafia group. Instead na nag-aaral ako ng mabuti, naglalaro, nanonood lang sa bahay. Hanggang sa utusan niya ako na umalis sa Peculiar Dragons. Pero sinabi ko sa kanya na hindi iyon ganoon kadali. Kaya ang ginawa niya, binigyan niya ako ng protection para hindi ko na kailangan bumalik sa Peculiar Dragons."

Chris looked happy. Pero sino ba naman ang hindi? Kung malaman mong may ginawang mabuti ang Tatay mo para sa ibang tao. That proud face of his—I like it.

"Isang beses, nagbigay ako ng information sa investigation team para mahuli ang Peculiar Dragons at masampahan sila ng kaso. Pero nalusutan nila ang plano ng Papa mo at nahuli siya ni Fernando Limbaco, ang mafia boss noon ng Peculiar Dragons."

Nagsimula na akong kabahan sa puwedeng maging reaksyon ni Chris nang makita kong unti-unti nang nag-iiba ang ekspresyon ng mukha niya. Siguro nararamdaman na niya base sa mga sinasabi ko na palapit na siya nang palapit sa hinahanap niyang kasagutan.

"Pumunta agad ako sa Peculiar Dragons nang malaman ko ang nangyari sa Papa mo. Umamin ako na sa kanila na ako ang nagsumbong sa kanya, kaya ako ang nabugbog nila. Pero nagpumilit pa rin ang Papa mo na hindi ko iyon kasalanan. Sinabi pa niya na tinakot niya lang ako kaya ako nagsalita. Kahit na ang totoo, sinabi ko iyon ng kusa."

Hinawakan ko ng mahigpit ang magkabilang kamay ni Chris. "I'm sorry."

Hinawakan din ni Chris ang kamay ko saka siya tumingin sa akin. "Pinili niyang tulungan ka. Hindi mo iyon hiningi sa kanya. Kaya hindi mo kasalanan. Ganoon talaga si Papa. Bata ka pa nu'ng time na iyon. Hindi niya hahayaan na ikaw ang mabugbog, kung puwede naman na siya na lang. Isa pa, pumunta ka ru'n para tulungan siya hindi ba? May ginawa ka rin para sa kanya."

CHANGE OF HEARTWhere stories live. Discover now