9TH CHANGE

893 62 7
                                    

Hindi ko siya mapayuhan kung paano bingwitin ang asawa niya pabalik dito sa Pilipinas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko siya mapayuhan kung paano bingwitin ang asawa niya pabalik dito sa Pilipinas. Dahil isa rin naman akong sawi sa pag-ibig tulad niya. Pero kung sa pagiging bitter siguro baka mayroon pa akong nasabi sa kanya. Ang kaso— alam ko na hindi iyon ang kilangan niya.

"Ang hirap ng sitwasyon mo 'no? Pinakasalan mo ang isang taong hindi ka naman mahal. Para mo nang sinabi na sasaktan mo ang sarili mo habang buhay," I said while looking at the blurry lights.

"Hindi ko rin naman siya mahal e," Kane answered in a low voice.

Hindi rin mahal ha. Sino ang niloko niya? Samantalang iyong wedding ring nila ng asawa niya nangingintab pa na akala mo kabibili lang kanina. Partida, dalawang taon na silang kasal. Hindi niya lilinisin at isusuot iyon kung wala lang iyon para sa kanya.

At isa pa, sa personality ni Kane na palaban at puro tapang imposible na wala siyang ibang choice kundi pumayag na ipakasal siya sa kung sino mang babae iyon. Hindi nga siya nagpapatalo kahit kanino. Ang sabihin niya, ginusto niyang magpakasal kahit alam niyang masasaktan siya.

And I call it—

desperation.

Sa side ni Kane, madaling sabihin na, sige magpapakasal ako sa kanya. Basta ba sa akin siya. Pero ang hindi niya alam, unti-unti niya lang nilulunod ang sarili niya sa mas matinding sakit hanggang sa hindi na siya makaahon. Ganoon kahirap umasa sa isang taong alam mong kahit kailan hindi magiging para sa iyo. . .

Dahil wala sa guhit ng kapalaran niya ang mahalin ka.

I looked at him and I saw myself.

"Does it hurt?" I asked.

He averted his eyes and said. "No."

Iyon na ata ang pinakamasakit na sagot na puwede niyang sabihin sa kahit na kanino. Iyong sasabihin mo sa ibang tao na ayos ka lang kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman. At iyong pipilitin mo ang sarili mo na ipakita sa kanilang hindi ka nasasaktan, kahit na deep inside, sumisigaw ka ng— love me back. Iyong tipong kahit ilang ulit sabihin ng mga kaibigan mo na magiging masaya ka rin tulad ng iba balang araw. Ang nasa isip mo, sa taong iyon ka lang magiging masaya.

"Matulog ka na," Kane added.

Concern ako sa kanya pero sa tono ng pananalita niya parang gusto na niya akong palayasin. Kaya naman salubong na ang kilay ko nang pagmasdan ko ang ginagawa ni Kane. Busy na siya sa pag-ta-type sa laptop niya.

"Aalis lang ako rito kung inaantok na ako. Tsaka hindi ako sanay matulog sa hindi ko bahay. At kasalanan mo na hindi ako inaantok dahil hindi mo ako inuwi."

Huminto si Kane sa ginagawa niya saka sandaling hinaplos ng pakurot ang kanyang nasal bridge. Pagod na ayaw pang tumigil. Nang magtaas siya ng tingin sa akin, wala akong ibang napansin kundi ang matapang niyang mga mata.

CHANGE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon