22nd CHANGE

824 69 20
                                    

Pagpasensyahan niyo na kung may mali sa grammar. Pang algebra lang ang inyong lingkod eh. Practice mode. Hahaha!

Hindi mapakali si Chris sa kakaisip tungkol sa kung ano ang ginagawa ni Kane ngayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi mapakali si Chris sa kakaisip tungkol sa kung ano ang ginagawa ni Kane ngayon. Kung magkasama nga ba sina Kane at Aleeya. Para makasigurado, nag-browse siya sa Facebook tungkol sa pagdating ni Aleeya sa Pilipinas.

Ang nakita lang ni Chris ay picture ni Aleeya habang pasakay ito ng sasakyan. Ang video naman na nahagilip niya ay nang kumaway lang si Aleeya sa mga fans habang naglalakad sa loob ng airport.

"Wala si Kane."

Sa kaiisip, sumagi na sa isip ni Chris na baka nagkaroon ng problema sa opisina si Kane kaya hindi siya nasundo. Maaring nagkataon lang na umuwi si Aleeya sa Pilipinas at hindi iyon alam ni Kane.

"Tanungin ko na lang. Nakakainis na," he said to himself.

Chris sent a message asking anong oras uuwi si Kane mamaya. And oh yes, he didn't receive a fucking reply.

Dahil isang makulit na nilalang si Chris, pati si Adam pinadalan na niya ng message.

"Nasaan si Kane? Kasama mo ba? Tanong mo naman kung anong oras siya uuwi."

Adam was quick so Chris is a bit satisfied.

"Umalis. Hindi naman sinabi kung saan pupunta. Hindi rin nasabi anong oras siya uuwi. Tawagan mo na lang."

Inasahan ni Chris na magkasama sina Adam at Kane dahil laging nakabuntot si Adam para masigurado na safe si Kane. Ngayon nagtataka siya kung bakit hindi magkasama ang dalawa.

"Fuck, anong lakad ba iyon at kailangan siya lang mag-isa? Siguro nakipagkita nga iyon sa asawa niyang hilaw."

Chris sound like a jealous girlfriend. Hindi niya maiwasan ireklamo ang lahat ng bagay na mapansin niya laluna't involve ang asawa ni Kane. Si Aleeya na mukhang mahal pa ni Kane hanggang ngayon. Dahil hindi naman magawa ni Kane na itapon o itabi ang mga gamit ni Aleeya sa bahay nito.

While browsing, nakita ni Chris na mayroon siyang friend request from Andrea. Hindi siya nagdalawang isip na pindutin ang confirm dahil kaibigan ni Kane si Andrea.

After confirming Andrea' request, binisita niya ang profile nito. Unang bumungad sa kanya ang recent post ni Andrea about a movie na si Kane ang magiging direktor. Ang leading actress? Walang iba kundi si Aleeya Rivera.

Chris felt a flicker of irritation.

"Matinde. Wala pang development may panira na agad. Ano ba namang klasing love life ito."

CHANGE OF HEARTWhere stories live. Discover now