2nd CHANGE

1.5K 77 10
                                    

Nang bumalik sa kamalayan si Chris, nakaramdam siya ng pananakit sa katawan at kaunting kirot sa mukha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang bumalik sa kamalayan si Chris, nakaramdam siya ng pananakit sa katawan at kaunting kirot sa mukha. He feels awful.

Nakarinig siya ng dalawang magkaibang boses ng lalake bago niya naimulat unti-unti ang kanyang mga mata. Pero imbis na lalake ang bumungad sa kanya, cleavage ng isang maputing babae ang una niyang nakita.

His eyes widened in surprise.

Unti-unti siyang nagtaas ng tingin at napagmasdan niya ang magandang babae na nasa kanyang harapan. Nakasampay sa balikat nito ang mahaba at manipis nitong buhok. Nakayuko ito paharap sa kanya at may hawak na cotton buds na pinalangoy sa Betadine ang dulo.

"Excuse my rudeness but, who are you?" he asked.

Her pink lips widened into a polite smile. "I'm Jana. You are?"

"Christopher."

"Christopher, marami kang sugat sa mukha mo kaya huwag ka muna malikot. Okay?"

There is no effin way na hahayaan niyang makita ang cleavage ni Jana. Magkakasala lang siya sa girlfriend niyang si Carla. Pero mabilis nabago ang nasa isip niya nang maalala niya ang buong sinabi ni Jana.

Wait. Marami akong sugat sa mukha? He thought.

Naupo siya sa sofa at agad namang umayos sa pagkakaupo si Jana. Naaalala na niya na binugbog siya ng limang lalake at nawalan siya ng malay. Naisip niya na baka si Jana ang nagdala sa kanya sa bahay nito para tulungan siya.

"Jana, salamat sa tulong mo. Ayos na ako."

"Pero may mga hindi pa ako nalalagyan sa sugat mo. Mas maganda kung malinis ko iyan bago ka umalis," Jana insisted.

"Jana, hindi namin iyan tinuruan ng leksyon para pagalingin mo."

Lumingon si Chris sa kanyang likuran at nakita niya ang dalawang lalake na nakatayo sa tabi ng billiard table. Ang narinig niyang nagsalita kanina ay ang isa sa limang lalake na bumugbog sa kanya. Nawala sa isip ni Chris iyong dalawang boses ng lalake na narinig niya kanina bago niya naimulat ang kanyang mga mata. Na-distract siya masyado sa cleavage ni Jana.

Masama ang naging tingin ni Chris sa isa sa mga lalaking bumugbog sa kanya. At mayroon pa itong kasama na hindi niya kilala. Ano ang balak nila sa akin? Tanong niya sa sarili.

Kinapa ni Chris sa bulsa ang cellphone niya para tawagan sana si Haru pero wala ang cellphone niya. Wala rin ang kanyang wallet. That moment, alam agad ni Chris na hindi maganda ang sitwasyon niya. Parang hindi siya hahayaan na makahingi ng tulong sa kahit na kanino. Isa pa, dinala siya sa ibang lugar. Kaya sigurado siya na mayroong pakay ang mga ito sa kanya.

CHANGE OF HEARTWhere stories live. Discover now