14th CHANGE

929 75 12
                                    

Read : Hello! Balak ko isalin ang lahat ng Boys' Love na isinulat ko sa third person point of view. Gusto kong ayusin sa tama ang mga story ko. Haha! Iyan ang dahilan kung bakit itong latest update ng CoH ay nasa third person na ang pagkakasulat. Isasalin ko rin sa third person ang mga naunang update ko sa CoH. Pero dontcha woray, hindi niyo naman need balikan iyong naunang chapter kasi wala naman madadagdag. Iniwi, any violent reaction? Chos! Enjoy reading!

 Iniwi, any violent reaction? Chos! Enjoy reading!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Dominant— in bed..." Chris mumbled.

He didn't expect na mapupunta sa kama ang usapan nila ni Kane. Dahil ang inasahan niya sa tulad nitong loyal ay iyong tipong pang shoujo manga. Ang eksena sa isip ni Chris ay ganito— huminto si Kane bago pa ito magsimula dahil nakita nitong umiiyak ang asawa. Ngunit iba iyon sa naramdaman ni Chris nang marinig ang sinabi ni Kane.

"Alam mo pakiramdam ko tinakot mo iyong asawa mo."

"Hindi ako ganyan," Kane said calmly.

Chris glanced up to the ceiling at tinanong ang sarili kung ano nga ba ang dahilan ng mga babae para umayaw bigla ang mga ito sa sex. Base sa experience ni Chris, daig ng tambol ang puso ng mga babae kahit wala pang nangyayari. At naniniwala siyang trabaho nila na maramdaman ng kanilang partner na they are safe.

"Kung hindi mo tinakot bakit tinakasan ka ng asawa mo? Imposible kasi na dahil dominant ka lang."

"I wonder."

Nainis si Chris dahil hindi niya makausap ng matino si Kane. Hanggang sa muling sumagi sa isip niya ang sinabi ni Kane na isa itong dominant. Hindi makita ni Chris ang problema sa salitang iyon dahil isa rin naman siyang dominant pagdating sa relationship. Hindi siya iyong tipo ng lalake na hihiga lang ng ilang minuto nang walang ginagawa. At hindi pa niya na experience na takbuhan ng babae.

But his eyes widened nang makaisip siya ng posibleng dahilan.

"Are you into— BDSM?"

Kane turned his face away and smirked. Nang muli itong tumingin kay Chris, Kane feigned ignorance. "BDSM?"

Sa inis ay sinuntok na ni Chris ang braso ni Kane. "Mukha mo!"

Alam ni Chris na tama siya. Ramdam niya lang na hindi kompartable si Kane na sabihin sa iba ang hilig nito sa BDSM. Masyado na rin naman iyong personal kaya kung wala itong balak na magsabi, hindi na siya mamimilit.

"Alam mo mas gusto ng mga babae iyong gentle."

"Not my thing."

Para kay Chris mahirap hanapin ang babaing willing na magkaroon ng relasyon sa lalaking mahilig sa BDSM. Risky iyon para sa kanya. Pero wala siyang balak sabihin kay Kane ang side niya para bigyan ito ng payo. Ayaw niyang makialam sa kung ano ang enjoyable para rito.

CHANGE OF HEARTWhere stories live. Discover now