23rd CHANGE

846 62 14
                                    

Chris shivered in fear

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

Chris shivered in fear. Please don't get mad at me. Please. He thought over and over.

Hindi sinasadya ni Chris na sabihin iyon kay Kane sa paraan na para bang nagpapapansin lang siya sa crush niya sa school.

Nawala ang ngiti ni Kane dahil sa sinabi ni Chris. He knew that there is something between those lines that he has to clarify. "What do you mean by that?"

Hindi na aatras si Chris tutal nasimulan na niya. He wanted to know kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa nararamdaman niya kay Kane.

Chris took in a deep breath. "May gusto ko sa iyo."

Kane tilted his head. "Are you serious?" When Chris nodded, his face went blank for a minute. "I—"

Chris interrupted Kane. Ayaw niyang marinig mula kay Kane ang mga salitang alam niya na mag-iiwan ng malalim na sugat sa puso niyang ngayon pa lang ulit magmamahal. "Anong sasabihin mo? I'm sorry I don't swing that way? You don't like me? Or I'm sorry, I'm not interested in you? Gasgas na iyan sa akin at wala akong pakialam. Dahil gagawin ko lahat para magustuhan mo ako."

"Wow. You are well prepared," Kane grinned.

Napayuko na lang si Chris sa hiya dahil pakiramdam niya nasobrahan siya sa self confidence. "Alam ko kasi na mahihirapan ako sa iyo. Kaya hinanda ko na ang sarili ko."

Alam ni Kane na seryoso si Chris sa mga sinasabi nito at hindi ito lasing lang na baka kung ano-ano lang ang sinasabi. Kaya naman binigyan niya ito ng seryosong sagot. "I'm sorry. I can only see you as a friend."

Ayos lang. Diyan naman nagsisimula ang lahat eh. He thought. Bagay na hindi niya magagawang sabihin kay Kane.

Kane faked a smile to lessen the tension. "Anyway, gusto mo ba na lumayo muna ako? Alam ko kasi na mahirap kung magkasama pa tayo sa iisang bahay."

Chris shut his eyes. Not this one. Gusto ko pa siyang mag-stay sa tabi ko. He thought. Aminado si Chris na inasahan na niya na ganito ang sasabihin ni Kane sa kanya. Dahil natural lang na lumayo ito sa kanya. Sa katunayan, mas malala pa nga ang nasa isip niya na gagawin ni Kane. Expected ni Chris masasapak pa siya o makakarinig siya ng masakit na salita.

Chris stared at him with a courageous heart. "Kung hindi ka komportable na kasama ako sa isang bahay ayos lang sa akin. Kung wala kang mahanap na lilipatan may alam ako na luxurious condominium na malapit lang doon sa condo ko. Puwede mo iyon tingnan kung gusto mo. And I can guarantee na mahigpit ang security nila."

Chris bit his lower lip. Na-realise niya na parang ni-reveal niya kay Kane iyong true intensyon niya nang ayain niya itong makituloy muna sa condo niya. Dahil kung kailan aalis na si Kane sa condo niya, saka niya inalok dito iyong luxurious condominium na alam niya.

CHANGE OF HEARTNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ