20th CHANGE

831 72 20
                                    

Natahimik si Chris nang i-end ni Kane ang call

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Natahimik si Chris nang i-end ni Kane ang call. Inisip nito na lasing lamang si Chris kaya kung anu-ano ang sinasabi.

Nahiga si Chris saka napabuntong-hininga. You don't take me seriously, Kane Montilla. He thought.

Inilapag ni Chris ang cellphone niya sa side table. Nakapangalumbaba siya nang dumantay sa unang inilagay niya sa kanyang hita.

Naisip ni Chris na kung naniwala si Kane sa sinabi niya, hindi na ito tutuloy na makitira sa condo niya. Malabo na rin na makasama niya pa ito dahil malaki ang posibilidad na umiwas na ito sa kanya.

Chris actually planned na kung maniwala si Kane at mag-sorry ito sa kanya para i-reject siya, balak niyang sumuko at bigyan na lamang si Kane ng recommendations kung gusto nitong bumili na lang ng unit.

Hinilamos ni Chris ang kamay niya sa kanyang mukha. "Ahgr! Shit! I don't fucking know what to do. Dapat ba na hindi ako sumuko kahit parang imposible na gustuhin niya ako?"

Chris sighed. "Courting a straight guy is tough huh? Pero mukhang mas mahirap na mapapayag ko siyang magpaligaw."

After thinking for several minutes, sumuko na si Chris. He took a shower to cool his head.

After shower, sinubukan niyang i-distract ang sarili niya sa pamamagitan ng panonood ng horror movies habang inaantay niya makarating si Kane.

He waited for four hours pero hindi dumating si kane.

Hindi kaya sineryoso niya ang sinabi ko at nagbabago na ang isip niyang makituloy? He thought. Hindi mapakali si Chris kakaisip. To the point na wala na siyang pakialam sa horror movie na pinanonood niya.

Nang sumuko siya sa kakaintay, nagdisiyon siyang matulog na lang. Pero hindi pa siya nakakahiga sa kama, nabulabog na siya agad sa malakas na tunong ng cellphone niyang todo ang volume. Nang makita ni Chris na si Kane ang tumatawag, nabuhayan siya ng dugo.

Naghintay si Chris ng ilang segundo bago niya sinagot ang tawag. Para hindi lang mahalata na excited siya.

"Hello?"

"Still up?"

Ayaw niya na isipin ni Kane na naghintay siya ng matagal. Kaya nagboses siya na parang bagong gising.

"Hmm? Gising na. Kasi tumawag ka."

"Sorry. Natagalan kasi umuwi iyong mga kaibigan ni Jana. Nandito na kami ni Adam sa parking lot."

"Sige. Bababa na ako."

"Thanks."

Nang pindutin ni Chris ang end call button. Inilapag niya sa kama ang cellphone niya at sandali niyang hinampas ang magkabila niyang pisngi dahil hindi niya mapigil na mapangiti. "Shit. He's here."

Ginulo ni Chris ang buhok niya saka ginusot ang suot na damit para mapagkamalan siyang bagong gising. Saka siya bumaba para kausapin muna ang receptionist tungkol sa pagtuloy ni Kane sa condo niya. Binigyan siya nito ng visitors ID matapos niya mag-fill up ng maliit na form.

CHANGE OF HEARTWhere stories live. Discover now