29th CHANGE

763 62 17
                                    

Chris tilted his head in confusion

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chris tilted his head in confusion. "Are you serious?"

Malabo para kay Chris na makilala siya ni Kane nang hindi niya ito nakikilala. Dahil ang itsura ni Kane ay kapansin-pansin kahit mapasama pa ito sa maraming tao. Madali rin matandaan para sa kanya ang boses nito na puno ng kaangasan.

Kane plastered a smile on his face. Seeing Chris' expression is enough to make him feel happy. "Are you Interested?"

Naupo si Chris sa kabilang side ng sofa, malayo kay Kane. "Sobra. Gusto kong malaman kung paano mo ako nakilala. Kasi kahit anong piga ang gawin ko sa utak ko wala akong matandaan na nakita kita o nakausap." Pinaling niya ang tingin kay Kane na kanina pang nakatitig sa kanya. "Kung kilala mo ako, bakit mo ako inaway noong magkita tayo sa bahay mo? Bakit mo ako tinakot na idadamay mo ang kaibigan ko na si Kyle kung hindi ako magsasabi sa iyo ng totoo. Tsaka 'di ba—"

Nagsalubong ang kilay ni Chris nang pigilan siya ni Kane sa pagsasalita.

"That's enough."

"Galit ka?" he asked.

"No."

Chris sighed in relief. Ayaw niya na mainis si Kane sa kanya kung kailan mayroon na rin itong nararamdaman para sa kanya. Kahit hindi pa siya ganoon kasigurado sa bagay na iyon, ang mahalaga mayroon siyang kaunting pag-asa. At hindi niya hahayaan na mabawasan ang pagkakataon na maibalik sa kanya ang klase ng pagmamahal na kaya niyang ibigay.

"Puwede ko bang malaman kung paano mo akong nakilala?" he asked in a polite tone of voice.

Tumayo si Kane para kunin ang tuwalya na nakalagay sa loob ng malaking cabinet. Ang totoo, ayaw nitong pag-usapan ang tungkol sa gustong malaman ni Chris. And he doesn't want him to know about his dirty past. "Tungkol sa sinabi mo kanina, iba ang nasa isip ko nang malaman kong pinatakas mo si Ceasar kaya hindi ako naging mabait sa iyo. Kung itatanong mo naman kung ano ang nasa isip ko, hindi ko pa masasabi sa iyo. Pero kapag naayos ko na ang lahat puwede mo na itanong sa akin kahit ano."

Chris looked disappointed. "I see."

Pakiramdam niya maraming tinatago si Kane sa kanya. And it's making him feel distant. Lalo lamang dumidikdik sa isipan niya na hindi niya pa ganoon ka kilala si Kane. Pero kung sinabi nito na maaari siyang magtanong kapag ayos na ang lahat, panghahawakan niya ang mga salitang iyon. Sa ngayon, iisipin na lamang niya na mayroong mabigat na dahilan si Kane kung bakit marami itong hindi pa sinasabi sa kanya.

Sinulyapan ni Kane ang nananahimik na si Chris. "Promise, I will tell you everything," saka ito pumasok sa banyo para maligo.

"Okay. Hintayin ko," he whispered.

He's willing to wait. Heck, he's even willing to believe him all the way. Kahit pa malaki ang pagnanais niyang malaman ang totoo at lahat ng tungkol kay Kane, maghihintay siya. Kahit sabihin pa ng iba sa kanya na niloloko siya ni Kane, hindi siya maniniwala. Wala siyang pakikinggan o paniniwalaan kundi si Kane lang.

CHANGE OF HEARTWhere stories live. Discover now