7TH CHANGE

1K 66 13
                                    

"Gun," I murmured

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Gun," I murmured.

Shit. Don't tell me—

Gusot ang noo ni Kane nang sandali siyang sumulyap sa akin. "Hindi ito fake."

"Alam ko!"

"Good."

I can't believe him. Instead na sabihin niyang, walang problema marunong ako gumamit nito. Iyon talaga ang sinabi niya sa akin— hindi fake ang baril niya which is alam ko naman. At tsaka, hindi ba siya nakakaramdam ng kahit kaunting kaba? Ako rito sa sulok na nakatago na para pang maiihi sa sobrang kaba, 'tapos siya parang wala lang? Sa pananalita pa niya akala mo wala na siyang kinatatakutan.

"Ano ang balak mong gawin diyan sa baril mo, gaganti ka sa kanila?" I asked.

"Syempre. Ano gusto mong gawin ko panoorin ko sila?"

"Bakit hindi?"

"Fuck no."

Kung kabigan ni Kane si Haru masasampal ang bibig nito e.

Ang problema sa ugali ni Kane kaya siguro siya napapaaway at maraming galit sa kanya ay dahil sa ugali niyang hindi magpapatalo. Parang siya iyong tipo ng tao na kung ano ginawa mo sa kanya, iyon din ang ipaparanas niya. Hindo ako positibo mag-isip sa ganoong klase ng ugali. Parang nakakabahala.

"Itago mo na lang iyan. Tsaka bakit may baril ka?" I asked.

"Para sa proteksyon ko, ano pa ba."

Proteksyon. Mukha niya! Wala namang dadaling maganda ang baril niya sa kanya. Kasi puwede na kaunting iringin at pagtatalo lang, 'tapos lasing, kuha si baril sabay papaputukin. Sino ang talo? 'Di siya rin.

"Sabihin na natin na may experience ka sa paggamit ng baril. Pero isipin mo naman, makikipagbarilan ka sa kanila nang hindi mo alam na baka may iba kang matamaan na inusente? Hindi mo ba napapansin na ang dinadaanan natin puro bahay na sa magkabilang side. Nagpasukan na nga lahat ng tao sa bahay nila e. Mag-isip ka naman. At baka bukas sikat na plate number ng sasakyan mo sa social media."

Napatakip ako sa tenga ko nang makarinig muli ako ng putok ng baril. Naku talaga, makakatikim ng video sa akin itong mga ito e.

"Isipin mo sarili mo. Hindi sila. Ikaw na rin nagsabi nagpasukan sila sa bahay nila. Ano pa problema?"

"Aba maraming namamatay sa ligaw na bala. Umayos ka nga."

"Asintado ako."

"Yabang mo."

Mabilis akong napahawak sa upuan na nasa aking harapan nang biglang ihinto ni Kane ang sasakyan. Lalabas akong may bukol dito. Sa sobrang lakas ng impact, walang nagawa ang pagkapit ko sa upuan. Tumama pa rin ang ulo ko sa glove compartment. Hindi gaanong masakit pero kinilabutan pa rin ako.

CHANGE OF HEARTWhere stories live. Discover now