16th CHANGE

878 68 6
                                    

Kane shook his head

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kane shook his head. He can't believe na nag-iisip na siyang magkaroon ng girlfriend kahit hindi pa napapawalang bisa ang kasal nila ni Aleeya. Sa edad niya, hindi pa naman siya nagmamadaling magkaroon ng matinong relasyon. Gusto pa muna niyang mag-enjoy at ma-explore ang buhay na walang asawa. Dahil noong ikasal siya ay hindi niya sinubukan maging asal binata kahit iniwan siya ni Aleeya. But now he's wondering kung bakit parang naghahanap na siya ng mayayakap... roughly.

Paupo pa lang si Kane sa wicker lounger para magpahinga nang tawagin siya ni Adam.

"Boss."

Bumuntong-hininga si Kane bago nilingon si Adam. Mayroon itong tinutulak na white single seater na sofa. Galing iyon sa kuwarto ni Kane. Doon nila balak paupuin mamaya ang birthday celebrant na si Jana.

"Bakit?" he asked.

Itinulak ni Adam ang sofa sa tapat ng gazebo. "Nasa gitna ba?"

Pinagmasdan ito ni Kane nang mabuti. "Wala sa gitna. Usog mo pa papunta sa kaliwa."

"Hindi. Mamaya mo na iyan ilagay diyan. Hindi pa kasi ako tapos mag-ayos diyan eh," ani Chris nang mapalingon ito sa ginagawa ni Adam.

"Mamaya na raw. Sa gilid mo na lang muna ilagay," he said.

Hinila ni Adam ang sofa papunta sa gilid ng gazebo. "Okay. Sabi niyo eh." Nagpunas ito ng pawis saka nagpaalam kay Kane na kukunin na sa hideout nila ang mga kailangan para sa sounds mamaya. Maliligo na rin ito para nakabihis na pagdating.

Makalipas ang ilang oras na paghiga ni Kane sa wicker lounger habang naglalaro ng mobile game, tinawag siya ni Chris. Tapos na itong maglagay ng lights sa mga halaman na nasa paligid. Naayos na rin nito ang ilang decoration sa loob ng gazebo.

"Halika rito," Chris said.

Tumayo si Kane at pinuntahan si Chris sa tapat ng gazebo.

"Uutusan mo ako 'no?"

Chris smiled saka itinuro ang single seater na sofa na nasa gilid ng gazebo. "Igitna mo na iyan"

Kane crossed his arm over his chest. "Hindi mo kaya?"

Ginaya naman siya ni Chris at tinaasan pa ng kaunti ang boses. "Kaya ko. Sobrang ngawit lang ang braso ko. Hilahin mo na. Ako titingin kung nasa gitna na. Mapakinabangan man lang iyang six-pack mo."

"Oo na. Mag-gym ka kasi."

Nagsalubong ang kilay ni Kane nang suntukin siya ni Chris sa braso saka ito naupo sa wicker lounger. Siya ang boss sa kanilang dalawa pero hindi nagdadalawang isip si Chris na utusuan siya. Hindi rin ito natatakot na manuntok kahit pa alam nito na leader siya ng isang malaking mafia.

Hinila ni Kane ang sofa papunta sa tapat ng gazebo. Unang tantsa niya pa lang naigitna niya na agad iyong sofa.

"Sukat na sukat ah," puri ni Chris.

CHANGE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon