"Bakit ako? Bakit hindi nalang iba? Bakit sa lahat ako pa ang kailangang magbayad sa lahat ng ginawa ng Pops ko sa pamilya mo?" 

"Hindi ko din alam. Hindi ako katulad ng iniisip mo dahil masama din akong tao. Isa akong makasariling tao dahil kung sa ganitong paraan kita makukuha mas gugustuhin ko nang maging masama ako kesa sa maging anghel." Humagulgol na ako sa harapan niya.  

"Okay ka lang ba?" Charlyn. 

"Buti naman naalala mo pang bumalik dito." Si Bianca. 

"Tang-ina bakit ganon ang desisyon mo?" Si Ann 

"Sa tingin mo ba hindi ka namin matutulungan?" Si Leslie 

"Bakit hindi mo man lang kami tinawagan nung oras na namomroblema ka?" at ang huli naman ay si Alyssa. 

Sunod-sunod nilang tanong sa akin nang makaupo sa pwesto ko dito sa paborito naming tambayan. "Dalawang buwan. Punyeta dalawang buwan kang hindi nagpapakita sa amin." Mura ni Ann. Tumawa ako sa malulutong na mga mura na lumabas sa kanyang bibig.  

"Hoy Ann, pasagutin mo naman si Jasmin sa mga tanong natin." Singit ni Bianca. Umiling-iling ako dahil hanggang ngayon napakahinhin pa rin ng boses niya.  

Dalawang buwan akong hindi nagpakita sa kanila at isang buwan akong hindi nakipag komunikasyon sa kanilang lahat. Ngayon lang ulit ako nagbalik sa Manila matapos akong payagan ng Lolo. Himala na dahil sa ginawa niyang 'yon. Hindi ko na sana tatanggapin ang utos ni Lolo kung hindi pa ako hihilahin ng mga pinsan ko dito dahil namimiss na rin daw nila ang Siyudad.  

"Ano natulala ka na dyan." Maangas na sabi ni Ann. Tahimik lang ang iba sa barkada kong natingin sa akin na nag-aabang din ng mga sagot ko sa katanungan nila. Hindi nila pinapansin si Ann dahil sa akin lang sila nakatuon ng pansin.  

 "Ano nga ulit ang mga tanong niyo?" Inosente kong tanong.  Sa dalawang buwan ko sa Probinsya parang nalumot na din ang utak ko dahil parang hindi na ito nagffunction pa.  Narinig ko ang mahihinang pagmumura ng mga Baka. Inilapit ko ang straw sa bibig ko upang uminom ng Frappe na inorder ko. "Just kidding." Nawala ang mga ngiti sa mga labi ko. Ngayon lang ako ngumiti ng walang halong pait o sama ng pakiramdam. Ang mga Baka lang talaga ang makakapagpangiti sa akin ng walang kahirap-hirap. "Okay lang ba ako? Hindi ko alam. Wala na ata akong maramdaman na para sa sarili ko kung okay lang ba ako o hindi. Buti naman naalala ko pang bumalik dito? Wala naman talaga na akong balak kung hindi dahil lamang sa mga pinsan ko.  Ang tanga ko no? Kung bakit naging desisyon ko dahil yun sa katangahan ko. Pwede naman akong mamili ng gusto ko kaya lang dahil sa galit ko sa kanya hindi ko na nahintay pa ang paliwanag ko. Bakit hindi ko kayo tinawagan at bakit sa tingin ko hindi niyo ako matutulungan? Yun na nga alam ko matutulungan niyo ako kaya lang dahil sa kagagahan ko hindi ko naisipang tawagan kayo o makipag-usap sa inyo at nahihiya din akong malaman niyo ang nangyayari sa akin doon. Nasagot ko na ang mga tanong niyo." Pinahiran ko ang luhang umagos sa mga pisnge ko.  

Ang sarap sa pakiramdam hindi dahil nakamove on na ako kundi dahil nakikinig sila sa mga problema ko. Iba talaga pag may mga tunay kang kaibigan pag sa oras ng kalungkutan mo handa silang magseryoso at makinig kahit na makarinig pa ako ng mga mura. 

Akala ko magagalit sila sa akin dahil sa ginawa ko kundi nagpakamatured sila at inintindi ang side ko. Tanging paliwanag ko lang naman ang gusto nilang marinig. Paliwanag na totoo at walang bahid na kasinungalingan. 

"Anong plano mo ngayon? Diba sabi mo kapit-bahay mo siya?" Tanong ni Ate Aly habang inaabot nito sa akin ang isang kahon na kleenex.  

"Nagkasya yan sa bag mong maliit, Alyssa?" Tanong ni Leslie. Tumawa kaming lahat hindi dahil sa kleenex ni Alyssa kundi sa boses ni Leslie na napakatinis sabay pumiyok. "Kow, pasalamat kayo iniba ko ang ambience na namumuo dito sa pwesto natin." 

"Kung ano man ang desisyon mo, Jasmin susuportahan ka namin pero kung sakaling magbago pa yon handa kaming tumulong." Tumingin ako sa kalapit naming table. Walang nakaukopa doon pero may iba akong naaalala.  

"But Jasmin, wag kang tatanga-tanga sa panahon ngayon di na uso 'yon. Sundin mo ang puso mo at wag yung punyetang Lolo mo." Galit na sabi ni Ann. Galit na galit ito kay Lolo nung inikiwento ko sa kanila ang nangyari sa akin sa probinsya. 

"Kung gusto mong maging Run away Bride, just tell us." Si Bianca. Ngumiti ako sa kanila. Kung sana ganong kabilis lang ang magdesisyon tulad ng sinabi ni Ann pero hindi. 

"Bar hop tayo mamaya?" tanong ni Bianca para mawala ang ibang aura na umaaligid sa pwesto namin.  

"Game ako. Kayo?" Tanong ni Leslie. 

"Game." Si Charlyn 

 "Cool." Si Ann 

"Deal." Si Alyssa.  

"Wag ka nang mag-inarte pa Jasmin, sasama ka sa amin sa ayaw man o sa hinde." Sabi ni Ann. 

"Pero." 

"Walang pero-pero sa akin. Alam mo yan, Jasmin. Kung ang problema mo ang mga pinsan mo pwes sa Condo ko ikaw matulog." 

"Okay. Saan?" Mabilis kong tanong. 

"71 Gramercy." Sabay-sabay nilang sabi. 


Sharap (Baka Girls #1)-CompletedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz