NOL - CHAPTER 12 - NO ORDINARY FEAR

Mulai dari awal
                                    

"Andiyan na" sagot ko.

Napapikit lang ako at sumakay na sa taxi. Mabigat man ang mga paa kong iaapak sa lupa pero anong magagawa ko? hamak na isang taxi driver lang ako.

"Tol okay ka lang?" tanong ni Andoy. Ihahatid ko siya sa garahe para kunin ang taxi na ipapasada niya.

Tumango ako.

"Ang lalim ng iniisip mo" sabi niya pa. "Tol" sabi niya at hinawakan ako sa balikat.

"Okay lang ako" sabi ko at tahimik ang buong biyahe namin hanggang marating namin ang garahe.

"Sige Tol, kita na lang tayo sa kainan" sabi niya. Ang tinutukoy niyang kainan ay yung madalas namin kainang karinderya. Sila Jennifer ang may-ari non. Bukod na mas nakakamura kami ni Andoy eh halos lahat ng mga kasama naming magtataxi eh don din kumakain.

"Sige" sabi ko at madali na akong umalis.

Ayoko ng nararamdaman ko eh. Alam ko kasing wala akong pag-asa sa babaeng yon. Rejection? Sino bang gustong narereject? Wala...ayoko na ulit maramdaman yon...masakit...sobra.



LAREEN'S POV

"Siguro naginarte ka kaya hindi ikaw ang pinag-ligpit nito ni Sir Stephen no???" inis na inis na bintang ni Analyn sa akin nung pagbalik niya mula sa labas. Dala niya ang lahat ng pinagkainan nila Sir Tep.

Dahan dahan niya itong inilagay lahat sa sink at muli akong hinarap. Nakataas ang kilay niya sa akin. "Wag mo nga akong pagbintangan" sabi ko.

Sila Ate Madel ay nakatingin sa amin.

"Siguro sinabi mong masama ang pakiramdam mo kaya ako ang inutusan" sabi niya pa. Itong babaeng to, kung katulong lang to namin dati, pinakain ko na to sa alagang tiger ni Papa.

"Excuse me. Baka kasi mas mukha ka lang talagang utusan kesa sa akin" sabi ko. Nanlaki ang mata niya at lalapit sa akin ng umawat na si Ate Madel at Aling Leonor.

"Reena, Analyn. Pwede ba? Maghiwalay nga muna kayong dalawa" sabi ni Manang Leonor.

"Sumusobran kasi tong babaeng to eh" sabi ni Analyn. "Tama na" sabi sa kanya ni Aling Leonor. "Reena, dun ka muna sa mga labahin sa labas, tingnan mo kung tuyo na yung mga nilabhan para maplansta na" utos sa akin kaya lumabas na ako.

Kasalukuyan akong nakaupo sa lugar ng labahan. Wala pa namang tuyong damit kaya naupo na muna ako at para rin makalayo sa nakakapangigil na ambience ni Analyn. Akala mo kung sino makabintang?

Nagpapahinga ako ng masagi na naman sa isip ko si Arkin at ang dulot niyang pakiramdam sa akin. isang pakiramdam na kinakatakutan ko dahil hindi sa ganitong panahon ko to dapat na maramdaman. Ngayon nagpapanggap ako? Hindi pwede. Gusto ko kung mamahalin man niya ako eh bilang si Lareen, hindi bilang isang Reena na nageexist lang para patunayan sa magulang niyang kaya niya ang sarili niya.

Paano kung mahulog ang loob ko kay Arkin ng tuluyan at malaman niyang niloloko ko siya? Mapapatawad niya ba ako? Hindi ko rin naman pwedeng ipagkatiwala sa kanya ang sikreto ko. Baka may makaalam na iba tapos makarating sa Papa ko.

Hay...bakit ang sakit sa ulo ng pag-ibig eh dapat sa puso lang yon?? Arkin, kakasuhan na kita ng trespassing!

After ng isang mahabang araw ay sa wakas pauwi na kami. Sabi ni Aling Leonor eh uuwi na raw ang Senyora sa susunod na araw. Hay, another kontrabida na naman pero atleast si Mrs. Rodrigo may K, eh si Analyn? Sarap lang saktan.

Naglalakad kami ni Ate Madel papuntang sakayan ng magtanong siya.

"Hindi pa rin kayo okay ni Arkin noh?" tanong niya.

"Paano naman siya napasok dito?" sagot ko lang.

Ngumiti siya. "Kilala na kitang bata ka. Alam ko kung ano o sino ang gumugulo sa isip mo" sabi niya.

"Hindi siya"

"Ows?"

"Hindi nga siya!" sabi ko at nagpatiunang maglakad. Narinig kong tumawa siya. "Hahaha..mas ngayon alam kong siya, ganyan ka pagnagsisinungaling ka..." sabi niya mula sa likuran ko.

"Ewan ko sayo" sabi ko na lang.



ARKIN'S POV

Maaga akong gumarahe, parang ako yata ang masama ang pakiramdama eh. Papasok na ako ng tenement ng madaanan ko sila Mang Ino na nagiinuman. Ito ang kanilang past time.   

"Arkin, tagay muna" aya ni Mang Lauro.

"Naku po, pass muna" sabi ko at humawak ako sa  tiyan ko. "Naku naman, yakang yaka mo yan" sabi ni Manong Chris at lumapit sa akin dala ang isang basong may GIN.

Umakbay siya sa akin. "Inumin mo to para bumuti ang pakiramdam mo" sabi niya.

"Si Manong Chris talaga oh" sabi ko at natatawa. Tumawa na  rin ang iba pa. "Tama Arkin, tingnan mo kami, iwas sa lagnat o sipon. Sige na" sabi niya. Napailing na lang ako.

Maya maya ay napaupo na ako sa lamesa nila. Sabagay wala pa naman din si Andoy. Nag-gigitara si Mang Ino at si Manong Chris naman ay tuloy sa pagkanta ng isang lumang kanta. Medyo hindi na maintindihan dahil marami rami na rin siyang naiinom.

"Arkin, ikaw ba nililigawan mo na si Reena" biglang tanong ni Mang Lauro.

"Ho?"

"Ang hina mo naman bata! Dumiskarte ka na at baka maunahan ka pa ng iba!" sabi pa niya at nagtawanan sila. Kung alam niyo lang ho.

"Hindi naman ho ako nakikipagunahan" sabi ko.

"Pero may balak ka?"

Natigilan ako.

"Uminom na lang ho tayo" sabi ko at mabuti na lang at naiba ang topic.

Napunta kung san san ang pinaguusapan nila, mula sa natalong manok sa sabong ni Mang Ino, hanggang sa bagsak na grades ng anak ni Mang Lauro. Nakikinig na lang ako at nakikitawa.

"Ayan na si Reena oh" sabi ni Mang Ino at napatingin ako sa direksyon nila Reena. Kakauwi pa lang nila ng Auntie niya mula sa trabaho. Nakatingin ako sa kanya. Paano ako nakakatagal? Salamat sa alak.

"Matunaw Arkin...mamahalin mo pa yan" sabi ng maloking si Manong Chris.

Napakamot ako ng ulo.

"Magandang Gabi Delia...Magandang gabi Reena" bati ni Mang Lauro.

Ngumiti lang silang dalawa. Si Reena naman ay iniwas ang tingin sa akin. "Tagay?" alok ni Mang Ino.

"Si Ino talaga. Hindi kami umiinom" sabi ni Auntie Delia.

"Si Reena?"baling ni Mang Ino kay Reena. Ngumiti lang ito.

"Hindi ho ako umiinom" sabi niya. Halata naman eh.Mabuti na lang at medyo madilim sa pwesto ko pero alam niyang tinitingnan ko siya.

"Pero ipangako mo Reena, na sa birthday ko iinom ka at ikaw huh Delia" sabi ni Mang Ino na sobra na sa kulit.

Natatawa na lang si Reena.

"Oho...pangako ho" sabi niya at nagpaalam na.


Tinanaw ko na lang siya palayo. Nakakatakot kang mahalin...pero paghanda na ako, I'll conquer everything for you at sana pagdumating ang araw na yon, sana pwede ka pa.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang