Chapter 23: Black

Start from the beginning
                                    

He looked down at me, his eyes blinking a couple of times as if he's trying to process what I'm saying. Mukhang antok pa rin siya talaga at malamang nagising lang dahil sa komosyon na ginagawa ko. Ang gwapo pa rin niyang tignan. Handsomely disheveled.

"You got all that from frying a hotdog?" he asked in a confused tone.

"Hotdog na nga lang hindi ko pa maluto."

"And?"

"We need to break up. Hindi ko kayang maging domesticated. Hindi ako bagay na maging asawa. Paano na lang ang mga anak natin? Anong kakainin nila? Paano ka kapag galing sa trabaho, anong kakainin mo? I can wash tons of dishes and I have a fondness with laundry but I just can't cook!" Dramatikong hinagis ko sa kaniya ang hawak ko na siyansi na kaagad niya namang nasalo bago ako yumukyok sa center island.

"May anak na tayo?"

Masama ang tingin na nilingon ko siya at pagkatapos ay saka ko siya binulyawan, "Mga future anak natin! Will you keep up, bro?"

Napapakamot sa ulo na sandaling tinignan niya lang ako at pagkaraan ay sa hawak niya naman na siyansi siya napatingin. Mukhang napagnilay-nilayan niya na mas madaling harapin na lang iyon kesa pagtuunan ako ng pansin dahil walang salitang lumapit siya sa kalan at nagsimulang ituloy ang kanina ay niluluto ko. Iyon nga lang mukhang hindi na kayang isalba ang pobreng hotdog dahil mula sa kinaroroonan ko ay kita ko kung paanong sunog na sunog ang isang side ng mga iyon.

Tila iyon din ang nasa isip ni Thorn dahil hinawakan na niya ang handle ng pan at inangat iyon na para bang itatapon niya na ang mga iyon sa basurahan.

"What are you doing?!"

Natigil sa gagawin ang lalaki at kunot ang noo na nilingon niya ako. "You can't eat this. You overcooked it. Too much. It's like you tried to cremate these poor things."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata pero hindi na ako nagkomento pa sa huli niyang sinabi dahil totoo naman kasi iyon. "Ang daming mga batang nagugutom sa mundo tapos itatapon mo 'yan? Alam mo ba kung gaanong kataas ang bilang ng mga taong hindi nakakakain? Baka hindi pa sila nakakakita ng hotdog at pinapangarap na lang makatikim niyan. Ganoon kalala ang kahirapan sa mundo. Did you know that according to global statistics-"

"Bakit pakiramdam ko kada mag-uusap tayo palayo ng palayo ang topic natin?" Namewang ako at akmang magsasalita na sana pero imbis na hayaan ako ay inunahan na niya ako. "Sabi ko nga hindi ko na lang itatapon."

I harrumphed, "Good."

"Sit down. I need sustenance if I'm going to keep up with your train of thoughts."

Ngumuso lang ako habang nananatiling nakahalukipkip. Matamang tinignan niya lang ako na para bang hinihintay kung may sasabihin pa ko pero nang manatili akong tahimik ay naiiling na binalingan niya na lang ulit ang niluluto.

Nakita kong itinabi niya ang kalahating sunog na mga hotdog bago siya kumuha ng ibang pagkain sa refrigerator. Ilang sandali lang ay abala na siya sa pagluluto habang ako ay nakaupo lang sa isa sa mga high stool habang pinagmamasdan siya. Bakit kaya pag ibang tao ang nagluluto parang ang chill lang? Sa akin kasi parang laging may digmaan. Pero infernes mas gusto ko na ganito na siya ang nagluluto. Ang sarap kasi niyang titigan habang nagluluto na suot lang ang maluwag niyang sweatpants at sando. Parang mas masarap siyang iulam.

"I can cook."

Nag-angat ako ng tingin mula sa pang-upo ng lalaki na nababalatubalani kong pinagmamasdan ng maigi kanina, "Ha?"

"I can cook."

"Kita ko nga."

Bahagya niya akong nilingon at sandaling tinapunan ako ng tingin at pagkatapos ay ibinalik din naman ang atensyon sa ginagawa. "I can cook for the kids. You can wash the dishes. You do the laundry if you want then I'll hang them. O ikaw ang magsampay at ako ang maglalaba. We can clean the house together. We can include the kids so we can teach them responsibility."

Dagger Series #1: UnwrittenWhere stories live. Discover now