I couldn't utter a single word. Ginawa akong pipi ng mga sinabi ni Montereal. I tried remembering it all ngunit walang lumabas. Wala akong naalalang na hospital ako, kaya bakit kung umasta ang Montereal na iyon ay siguradong sigurado siya at kilalang-kilala niya ako.

This is all nonsense. Bakit ba ako nagpapaniwala sa kwento ni Montereal. Kailangan kong itatak sa utak na mali siya but the feeling inside me made it all right. Hindi ko na alam ang paniniwalaan.

“May problema ba?”

Muntik na akong mapatalon sa gulat sa boses na iyon. Laglag ang panga kong nilipat ang tingin sa katabi. Salubong ang kilay nito na nanunuri ang mata.

Talagang siya ang naunang nagsalita sa aming dalawa ? Isa itong himala.
Sinara niya ang nakaawang kong bibig gamit ang kamay niya. Binalik niya ang tingin sa labas ng bintana.

“Wala naman,” sagot ko.

" Na hospital ka na rin ba dahil sa sakit mo? Itinabi ko rin ba sa mga katulad mong may espesyal na karamdaman?” Tanong ko nang hindi makatiis. His brows creased. Nalilito siguro sa itinanong ko.

“Never mind,” bulong ko sa sarili.

Nauna siyang tumayo nang huminto ang bus sa harap ng coffeeshop nila. I smiled at him bago siya bumaba ngunit wala akong nakuhang sagot.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa bumaba siya mula sa bus. Nagulat ako nang kumaway siya sa akin nang  tumapat siya kinauupuan ko. Pagkatapos niyang gawin iyon ay tumalikod siya na parang walang nangyari.

Hindi maalis ang mabilis na tibok ng puso ko. Gusto kong tumalon mula sa bus at kulitin siya nang kulitin kung bakit niya ginawa iyon. Hindi na naman ako makakatulog nito.

*

Tumikhim ako para kunin ang atensyon ni Canerato Boy. Hindi pa ako nakakmove-on sa ginawa niya kahapon. Tama nga na hindi ako nakatulog dahil 'dun.

Nag-angat ang tingin niya sa akin mula sa sinusulatan niyang papel. Nandito kami ngayon sa isang coffeeshop dahil may group project sila. Bigla niya na lang hinila kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumama. Level up na ang friendship namin.

Hindi ko lang alam kung bakit ako nandito. Tapos hindi niya naman kinakausap. Ginawa pa akong props sa project nila.

Nasa gitna ako nang pagmumuni-muni at pagtitig kay Canerato boy nang may tumawag sa akin. Umangat ang tingin ko sa pamilyar na boses na iyon. Nandito na naman si ball of sunshine.

“Rae,” ulit niya.

“Prenny puntahan ko lang siya ha,” paalam ko sa kanya. Nang tumango siya agad akong lumapit sa pinakamakulit na nilalang na nakilala ko sa buong buhay ko.

“Ano naman ang ginagawa mo dito?” Mausisang tanong ko sa kanya. Napanguso siya sa tanong ko.

“Ikaw nga rin bakit ka nandito?” Balik niyang tanong. Umupo ako sa bakanteng silya na nasa harapan niya.

“May sinamahan lang ako,” sagot ko.

“Boyfriend mo?” Tanong niya. Nakatanggap siya ng isang mahinang tapik mula sa akin.

“Walang akong boyfriend.”

“So pwede akong manligaw?” Biro niya. Napahalakhak ako sa sinabi niya. Lakas talaga ng topak nito.

“Hindi kita type,” kunwari ay pumuporma ako ng broken na heart shape sa hangin.

“Hindi nga pala ako pumapatol sa-” pinutol niya ang sasabihin saka tumitig sa dibdib ko. Malakas akong napasinghap dahil sa ginawa niya.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Where stories live. Discover now