#28 °Akala°

39 1 0
                                    

Sa panahong lagapak ako at tanging kalungkutan ang bumabalot sa aking pagkatao,

Akala ko ikaw yung unang tao na masasandalan ko

Yung taong makakapitan ko sa oras na madilim ang buong mundo ko

Yung taong nagsisilbing ilaw sa magulong landas ng buhay ko

Yung taong andiyan lagi sa tabi ko

Yung taong alam kong hindi niya ako iiwan

Yung taong kasama ko sa hirap at ginhawa

Yung taong maglalaan ng oras para lang makasama ako

Yung taong iintindihin ako sa lahat ng ugaling pinapakita ko

Yung taong kaya ako ipaglaban hanggang dulo

Yung taong mahal ako at hinding hindi ako ipagpapalit sa iba

Akala ko ikaw yun

Akala ko ikaw yung taong tinutukoy ko

Mali pala ako, nagkamali ako

Hindi pala ikaw dahil una pa lang ibang sakit na ang iyong pinaramdam

Tula Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now