#27 °Ligaya?°

41 1 0
                                    

Ilang oras na tayong ganito
Tila bang nasasanay na tayo rito
Katahimikan ang nagsisilbing sagot mo sa lahat ng diskusiyonan
Di na rin alam kung ano pa ang gagawing paraan

Ang dating tayo ay unti unti ng naglalaho
Hindi alam kung paano pa isasalba ito
Nagkulang nga ba tayo sa isa't isa
O di lang talaga tayo tinadhana

Mali na ang takbo ng ating kwento
Masyado ng madrama at nakakalito
Bakit ba tayo umabot sa ganito?
Ganun ka na ba kadaling sumuko?

Paano na ang pangarap nating binuo
Parang mawawala na lang ng husto
Dati ay masaya naman tayo
Ngayo'y di na alam kung nasaan na ang ligaya na ating pinagsalo

Sabi mo'y tayong dalawa hanggang dulo
Ngunit bakit ngayo'y gusto mo ng sumuko
Pagod ka na ba talaga sa ating relasyon
O dahil nasa iba na ang iyong atensiyon?

Tula Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now