Nag umpisa tayo sa simpleng ngitian ngunit hahantong lang pala sa mapait na kalungkutan
Nabihag mo ang puso ko at nahulog pa sayo ng todo ngunit ako rin pala'y iiwan mo
Naniwala ako sa iyong mga pangako na akala ko ay hindi mabibigo pero sadyang tadhana ang kusang naglaro
Akala ko nahanap ko na ang totoong kaligayahan ngunit tila isa lang itong panandalian
Mali nga ba ang pagmamahal o mali lang na ikaw ang pinagtuunan
Hindi ko labis na maisip na darating pala tayo sa ganitong sitwasyon na kung saan pareho tayong nawalan ng oras at atensyon
Sa tuwing magkasama tila kilometro ang distansya na para bang walang pakialam sa isa't isa
Hindi ito ang aking inaasahan, sana hindi na lang pala kita ipinaglaban
Tinanggap ka ng buong buo pero bakit ako'y iyong ginanito?
Hindi pa ba sapat na isa lang akong pampalipas oras o pang libangan pag marami kang libreng oras
Na kahit hindi ko makita ang halaga ko ay patuloy parin akong umaasa sayo na ako'y mahalin at pahalagahan mo
Masakit isipin at mahirap tanggapin na hanggang dito na lang ang akala kong hanggang dulo meron palang katapusan
Bawat pagtulo ng luha, sakit sa puso'y damang dama na para bang unti-unti kang dinudurog hanggang sa mawalan ng hininga
YOU ARE READING
Tula Ng Pag-ibig
PoetryPara ito sa mga taong napaglaruan ng tadhana. Mga taong naloko, napaasa, nasaktan, pinagpalit, na-friendzone, ghinost at nagsawa. Kung isa ka sa mga yon, may tula dito na akma sa feelings mo.