#12 °L E T R A°

203 2 0
                                    


Hindi ko alam kung paano ito uumpisahan
Pero mahal ayoko lang na ikaw ay masaktan
Mahal kita pero kailangan na nating tapusin to
Para sa ikatatahimik ng buhay mo at puso ko

Nasasaktan akong nakikita kang nahihirapan magdesisyon
Kung ako ba'y uunahin mo o bibigyan pa ng atensyon
Mahirap para sa akin na gawin at sabihin ang katagang to
Pero sana lahat ng sasabihin ko'y maintindihan mo

Hindi sa hindi na kita mahal kaya ko tatapusin ang kwentong to
Ito ay dahil sa nararapat to dahil mali ang pag ibig na to
Hindi ko sinasabing mali ang ibigin ka
Ngunit ito lang ang alam kong paraan para wala ka ng intindihin pa

Mahal ko, paalam na pasensya na kung bibitaw na ako
Hindi ko na talaga kaya pang manatili sa tabi mo
Aaminin ko nasasaktan ako ng sobra sa mga kwinekwento mo
Kahit na ako mismo ang nagtatanong sayo nito

Maraming salamat sa pinadama mong pagmamahal mo
Sa lahat ng effort na pinakikita mo
Sa lahat ng pinagsamahan at masasayang alaala nating magkasama
Pati na rin mga kulitan nating hanggang umaga

Nag umpisa tayo sa matamis na ngitian hanggang sa magkatitigan
Nahulog ng biglaan ng hindi natin nalalaman
Akala ko sapat na ang pagmamahal para ipaglaban kita
Ngunit di ko alam na hindi pala yun dahilan para patuloy akong umasa sa alam kong hindi naman pwede talaga

Kaya mahal ko, ako'y lilisan na sa mga bisig mo
Sa mga yakap mong mahigpit na lagi akong naiipit sa halik mong sobrang tamis at tatatak sa akin puso't isip
Sa mga pangarap naten na hanggang pangarap na lang pala dahil ngayon ang salitang tayo ay tutuldukan na
Pasensya na kailangan naten maghiwalay ayoko ring gawin ito pero alam kong ito ang nakabubuti sa ating dalawa kahit pa puso ko na ang nakataya basta makita lang kitang sumaya


Tula Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now