#8 °MALAYA KA NA°

254 7 0
                                    

Hindi sa wala na akong maramdaman
Pero dahil ayoko lang na ikaw ay masaktan
Hindi ko matiim na nakikita kang ganyan
Lalo na pag ako ang dahilan

Hindi sa nagsawa na ako
Pero ito yung totoo
Na kahit balikan ko pa ang dating tayo
Ayaw ka ng mahalin ng puso ko

Hindi sa may iba na akong mahal
Pero sa tingin ko ay meron akong nagugustuhan
Hindi naman sa mas lamang sayo
Ngunit ito nga ang nakita ko

Kahit baliktarin mo pa ang mundo
Hindi na titibok muli sayo ang pusong 'to
Dahil sa nagsawa na ito
Sa labis na pananakit mo

Kaya aking dating mahal
Sana ay maintindihan mo
Gusto ko ng lumaya sa piling mo
Patawarin mo ko dahil sumuko ako

Tula Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now