#16 Huling Sandali

140 4 0
                                    

Maraming sumubok pero sayo lang ako nakatutok
Tila nangangamba kung tama nga ba ang pasya
Tama nga bang buksan muli ang aking puso sa iba
Hanggang sa lumaon puso koy nahulog na

Tinanggap ka ng buong buo kahit mahirap at maraming hadlang
Ako pa rin ay sumubok kahit na alam kong sa huli ay talo ako
Hindi ko alam pero ito ang nais ng puso ko
Ang ipaglaban ka kahit na mali pa ito

Ngunit ng lumaon ako ay natauhan bigla
Inisip ang sitwasyon at ako'y naging tanga nga
Naging tanga na umasang tayo'y pwede pa
Kahit na alam kong sa dulo ay susuko ka

Kaya sa huling pagkikita ako'y nagtapat na nga
Na tapusin na natin ang relasyong di tama
Na sana sa una palang ay di na ginawa
Dahil pareho lang tayong masasaktan pag nagkataon pa

Tula Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now