#3 °TROPA LANG°

409 6 0
                                    

Minahal kita ng patago
Pero tadahana ang kusang naglaro
Kaibigan lang ako sayo
Kaya puso ko ay biglang gumuho

Mali nga ba itong nararamdaman
O mali lang ang taong napagtuunan
Kahit ako na ang masaktan
Basta sa tabi ko ay lagi kang andyan

Masakit mang isipin na hanggang tropa lang
Kaya namang tanggapin na hanggang doon lang
Dahil alam kong ako din ang masasaktan
Pag pinagpatuloy ko pa ang aking katangahan

Kaya puso ko ay akin ng lilimitahan
Upang di na mahulog sa taong tropa lang
Respeto na din sa ating pinagsamahan
Kahit pa ako lang itong naaapektuhan

Tula Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon