#35 °Naubos ako°

11 0 0
                                    

Paulit ulit kitang pinaglaban
Pinaniwala ko ang sarili ko na baka pwede pa, baka kaya pa
Baka masagip pa itong palubog nating relasyon

Pero bakit ikaw na mismo ang nagpapakita ng dahilan para sumuko ako
Para mawalan ako ng pag asa na iahon to

Sana alam mo lahat ng sakripisyo ko
Lahat ng paghihirap ko para lang hindi masira ang binubuo nating pangarap na magkasama
Ilang beses kong pinilit at intindihin lahat kahit alam kong nagbabago ka na

Hindi na ikaw yung dati na pinangarap kong makasama
Hindi na kita makilala, nagsasawa ka na ba?
O talagang wala na akong halaga?

Wala na akong tinira sa sarili ko dahil nagpabulag ako sa pagmamahal ko sayo
Ginawa ko lahat, pero di pa din pala yon sapat

Akala ko tayo na talaga, yun pala isa lang itong kathang isip na sa utak ko lang magiging totoo
Patawarin mo ko, dahil napagod ako
Napagod ako sa lahat ng pinapadama mo

Kaya ngayon ako na ang kusang susuko dahil alam kong mali na ang pag ibig na to,
Mali na ang pinaglalaban kong akala ko nung una ay tama

Sa pag alis ako, sana maging masaya ka
Hindi ko na kaya pang manatili sa tabi mo dahil sobrang nasasaktan na ako
Gusto ko ng tuldukan ang kwento na ating binuo
Pasensya na, napagod ako
Inubos mo ko, naubos ako

Tula Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now