#20 °MAHAL PA RIN KITA°

147 3 0
                                    

Matagal na kitang sinukuan
Pero bakit hanggang ngayon
Patuloy pa rin kitang iniiyakan
Lalo na pag naaalala ko ang dati nating pinagsamahan

Mga dating kasiyahang ating binuo
Hanggang ngayo'y nakatatak pa rin sa puso't isip ko
Bakit ganito ang aking nararamdaman
Ako'y nalilito at hindi ko ito maintindihan

Ano ba ang pinakain mo sa akin at di kita makalimutan
O sadyang nabubuhay pa rin ako sa ating nakaraan
Ilang beses ko na sinasabi sa sarili ko na tama na yan
Ngunit tila nagbibingi-bingihan ang puso ko't ayaw akong pakinggan

Umaasa pa rin siguro na muli mo kong balikan
Na kahit konting porsyento ay pagbigyan mo naman
Malabong malabo pero tanga tanga ang aking puso
Winasak mo na nga ito pero patuloy pa ring nagmamahal sayo

Tula Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon