#1 °MARUPOK°

710 6 0
                                    

Ilang beses ng umulit
Ngunit sawi pa rin sa pag-ibig
Puso ko'y puno na ng hinanakit
Pero gusto pang magmahal ulit

Ako sayo'y nahuhulog na
Ang tanong masasalo mo ba?
May pag-asa ba talaga?
Kung ako'y aamin na

Kapag andyan ka ay para akong sira
Puso ko'y lumulundag na sa tuwa
Hindi mapigilan itong aking nadarama
Pagkat ako ay rumurupok na

Bawat ngiti mo ay tumatatak sa isip
Mga galaw at gawa mo ay aking sinisilip
Hindi na mapigilan ang puso kong sabik
Basta pag andyan ka'y lagi nila akong tinatapik

Pati sa panaginip ikaw pa rin ang naiisip
Di ko namalayan puso ko'y iyo ng nadakip
Inaamin ko ako ay nahuhulog na sayo
Patawarin mo, minamahal na kita ng husto

Tula Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon