#2 °LARONG TAYO°

498 6 0
                                    

Sinikap kong ikaw ay intindihin
Ngunit ako'y nasaktan pa din
Mga salitang iyong binitiwan
Nakatatak pa din sa aking isipan

Mga luha at pighati na aking pinagdadaanan
Tila ba lahat para sayo'y wala lang
Bawat sakit ay damang dama
Damay ang puso hanggang kaluluwa

Wala na ang dating tayo
Naglaho na bigla ito
Dahil sa iyong mga kalokohan
Ako ay nasaktan ng lubusan

Pinaglaruan mo ako ng husto
Ngunit ako'y di pa rin natuto
Bakit ka nga ba naging ganito
Dahil ba sa ako ay uto-uto

Tula Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now