"Tangina, bastos! Magdamit ka muna bago mo kami papasukin!"

"Arte mo Yena, wala ka lang abs eh!"

"Ganda outfit mo Yujin, kaso baka may kiligin dito-"

"Ha?" tanong ko. pumasok na ako agad kaya hindi ko na narinig yung mga sinabi nila.

"Wala. Sabi namin magdamit ka na." sagot naman ni eunbi, na umupo na agad sa couch.

napakunot ako ng noo. i mean, appropriate naman suot ko, tinignan ko naman yung mga mukha nila chaeyeon and ayos lang naman sakanila.

unless- ah, si wonyoung.

i observed her face. she's okay, she's used to it, and why would i bother?

(but if yujin was a little more observant, she would've noticed how wonyoung was all eyes to anyone and anything but her, ears red.)

"Arte nito. Ang aga niyo kasi dumating, kaya wala akong choice. Dapat nga matuwa kayo kasi-" napahinto ako ng binato ako ni yena ng unan.

natawa ako. di pa rin sila nagbabago kahit konti.

"Hoy, kapal ng mukha mo! Asan na ba si Minjoo, dapat siya nalang nagbukas eh!" sigaw niya.

"Bakit on time kayo? Bago yon ah?"

napatingin kaming lahat sa nagsalita. of course, it was minjoo.

after a few minutes, i excused myself para umakyat at magbihis na.

and wonyoung suddenly entered my thoughts.

that made me think of her expression kanina. it was almost like, she didn't care, at all. na para bang hindi man lang niya napansin yung presensiya ko.

of course, i care. and i was a bit hurt.

and then i remembered, i fucked up.

we could've had a decent conversation kung hindi lang sana ako nagpakalasing.

but if we did, would that change anything?


almost all of them are preparing balloons and stuff, and some were on their phones. magpapadeliver siguro.

"Ayan na ata yung pizza, Yena kunin mo nga!" sigaw ni chaeyeon.

at malamang sa malamang, ngayon lang talaga bibili ng mga pagkain tong mga to.

then i noticed, all of us were having fun. nagtatawanan, nagdadaldalan.

it was all too simple, but these were the faces that i wanted to see every time.

ayoko na lalong umalis.

"Mukha kang asong nakangiti diyan ah, miss mo agad kami?" banggit ni eunbi.

they all turned to me, smiling and cooing. napatawa lang ako. "Oo na, sige na, baka maiyak pa kayo eh." biro ko, habang papunta sa kusina.

"Sakura! Wag mo muna kainin yan, maduya ka!" sigaw ni yuri, na kumakain ng junk food sa sala.

"O, bakit ikaw? Ikaw lang pwede kumain?" sagot pabalik ni sakura.

❝ dense ❞ ; annyeongzWhere stories live. Discover now