narr-15-ation

1.3K 75 31
                                    

yujin

nasa sala ako at naghihintay kay wonyoung na dumating.

nakabukas yung tv, but i didn't even bother to spare a glance at it. nakakatamad.

mga ilang minuto lang, i received a call. tinignan ko yung caller id, pero walang nakalagay. number lang.

639*********
is calling.
Accept | Decline

" hello? "

[ hi babe! ]

" namali po ata kayo ng number. sige p- "

[ yujin! si minjoo to! ]

"ah weh?"

[ oo, hehe ]

" putangina mo ka, sagad. bye- "

[ sandali lang, may sasabihin pa ako eh! ]

" dalian mo, sayang oras ko sayo gago ka "

[ seryoso, wala ba tayong usapan na hindi mo ko minumura? ]

" ay aba ewan ko, tanungin mo sarili mo "

[ sakit naman nun crush. ]

" ulol. "

[ ulol para sayo heheheh- ]

" hayop ka ano, di ka titigil? "

[ hindi. ]

" punyeta. ibababa ko na talaga to-"

[ sandali lang, eto na kasi! ]

" ... "

[ date tayo. ]

" ulol. as if i'll go on a date with you. "

[ you will! ]

" sige."

[ HALA SERYOSO? ]

" oo. sige hindi ako makikipagdate.  "

[ wait- ]

end call.

tinapos ko na yung call at pinatay yung phone ko.

at mga ilang sandali lang, may nagdoorbell na.

sumilip ako sa bintana at nakita ko si wonyoung na kumakaway.

tumakbo ako palabas, at pinagbuksan ko siya ng pinto.

sling bag lang ang dala ng gaga.

"Bakit wala kang kadala-dala?" tanong ko, at lumakad na rin papasok sa bahay.

binuksan ko yung pinto at pumasok kami, at tsaka niya ako sinagot.

"Manghihiram ako sayo ng gamit, syempre." banggit niya at umupo siya sa sofa.

"Pati panty? Jusko Won-"

"Bobo! Dala ko naman yon!" sabi niya, and then she patted the space beside her, signaling me to sit down with her.

umupo ako, at pinatong niya sa hita ko yung maliit na unan, at tsaka naman siya humiga doon.

"Hoy Yujin. Aminin mo nga sa akin, nagkagusto ka ba talaga don kay Minjoo?" tanong niya, habang nakatingin sa akin.

"Oo nga kasi. Kaya nga hanggang ngayon, naiinis pa rin ako don." sagot ko.

"Eh nagkagusto ba talaga siya sayo?" tanong niya uli. nakatingin pa rin sa akin.

jusko, crush ba ako nito?

"Bakit ka nagtatanong? Crush mo ba talaga ako? Nakatingin ka pa sa akin diyan-"

at sinampal niya ako sa braso. hays. napangiwi nalang ako.

"Aray naman!"

kinuha niya yung isa pang unan gamit yung paa niya, at pinatong niya yon sa mukha niya.

luh, crush kaya talaga ako nito?

"Putangina mo, para namang magkakagusto ako sayo." sabi niya, nakatakip pa rin yung mukha niya.

mainis nga.

"Pag ikaw talaga nagkagusto sa akin, nako."

"Yabuki." sabi niya, at tsaka niya tinanggal yung unan sa mukha niya.

"GAGO HAHAHAHAHHAHA-" tumawa ako, pero sinampal niya ako uli sa braso.

"Ang sakit non gago, bakit nanaman?" sabi ko, at napangiwi nalang ako. hapdi kasi eh.

"Wala lang. Ano gagawin mo pag nagkagusto ako sayo?"

kinabahan ako gago, baka talagang may gusto sa akin to?

"Aba ewan ko, sasagutin ko nalang yan pag may gusto ka na talaga sa akin."

"Baka hindi mo yan masagot, HAHAHAHAH" sagot niya.

"Baka lang, kaya tara na. Bumili na tayo ng punyetang mint choco mo." sabi ko, at tumayo na siya agad.

"Ano ba ginawa sayo ng ice cream? Masama kang tao." sagot niya, at napatawa lang ako.

❝ dense ❞ ; annyeongzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon