"Ang pagiging malandi mo talaga kung minsan girl dahan-dahan lang ha baka magkadose ka agad."

Kamot ulo akong tumabi at lumayo sa kanya baka sa susunod bote naman ang ipupukol niya sa'kin. Sayang naman ang precious life ko.

"Lumapit ka nga sa'kin, " tawag niya sa'kin. Nagtago ako sa likod ni Maximus kaya naman hindi niya nagawang lumapit at pilitin ako.

"Umalis ka diyan barakuda." Imbes na sa'kin siya nagagalit nalipat ito kay Maximus na inosente.

"Teka nga babaeng mukhang tekla huwang mo akong tawaging barakuda," pabalik na sigaw ni Maximus. Sinasabi ko na nga bang magsisimula na naman silang dalawa. Lumayo ako ng kaunti sa kanila dahil mukhang nagkakainitan na naman sila.

Sabi ni Ate Vilma muntik na raw nagkamabutihan ang dalawa ang kaso lang assuming itong si Ate girl niyo Vanessa akala niya may feelings si Kuya Boy sa kanya kaya todo landi rin. Edi nung nalaman niyang may girlfriend pala itong si Kuya Boy dito na humantong ang lahat. Isang madugong labanan ang naging bunga ng kanilang masalimuot na nakaraan.

Ngayon namang walang girlfriend si Kuya Boy dapat ipagpatuloy na lang nila ang naudlot nilang nakaraan.

"Alam niyo bagay kayong dalawa."

Napalingon ang dalawa sa'kin. Umiwas ng tingin si Vanessa habang si Maximus naman ay tawang tawa. Nang makita ito ni Vanessa nawala ang hiya sa mukha niya at napalitan ito ng inis. My eyes caught something, a glimpse of sadness from her eyes. Hindi nga siguro madaling mawala ang nararamdaman kahit na sobra ka niyang sinaktan. She covered her pain with harsh words but every night asking herself why.

"I don't like you and I will never like you." Nag walk out si Vanessa nang mapikon siya kay Maximus. Kamot sa ulo lamang ang nagawa ni Maximus habang nalilito kung bakit nasabi iyon ni Vanessa.

"Kahit minsan ba hindi mo nakita si Vanessa bilang babae ? "

" I don't know."

I also don't know if his answer give me the assurance that maybe pwede silang dalawa. Kasi naman obvious kayang may gusto si Vanessa kay Maximus kaunting push na lang baka umamin na ito but knowing Vanessa and her hatred toward Maximus sobrang malabo.

Hindi pa nasasanay ang katawan ko na pagsapit ng alas singko ng gabi nakahilata na ako sa kama. Nakakamiss din pala ang pagiging tamad. Sobrang na stress ako nitong mga nakaraang araw. Nang malaman kasi ni Mama na nagresign ako sa coffeeshop- that she keep on insisting na tinanggal daw ako which is the reason why I resigned, muntik na niyang sugurin ang coffee shop. Bakit daw ako tinanggal ? Incompetent ba raw ako ? So on and so forth. Mabuti na lang napigilan namin ng mga pinsan ko kung hindi baka mas lalong napahiya ako kay Ma'am Canerato.

Nagsumbong siguro si Sungit Boy kay Ma'am na inaway ko siya, Mommy's boy talaga kaya natanggal ako.

"Wake up na diyan Rae kakain na tayo."

Kahit tinatamad ako pinilit ko pa ring iangat ang mabigat kong katawan. Ate Stella's voice is so irritating , nakakasira ng magandang panaginip. She told me na iyon daw ang nagustuhan sa kanya ng hardinero niyang jowa na pilit kinagugulo ng isip ko. Sa sobrang tinis pwede na siyang bumasag ng baso kahit hindi niya pa nahahawakan ito.

Nagbihis ako mula sa pantulog kong damit, simpleng white dress ang sinuot ko. Gabing gabi ba naman kasi may bisita raw si Mama. Tiningan ko muna ang sarili bago ako bumaba. I'm sure na maayos naman akong tingnan and I'm pretty. Kahit naman single ako at walang mapangahas na nanliligaw sa'kin alam kong maganda ako. Speaking of ligaw kahit noong nasa Sta. Isabella kami wala talagang nanligaw sa'kin. Pinagkalat ba naman kasi ni Magie na batang ina raw ako. Mga utong utong mga tao doon ay naniwala naman. I really cried in front of the building where her classroom is located para sabihin sa kanya na bawiin niya ang sinabi niya sa harap ng maraming tao. Sa huli pala ang gusto niyang magpalibre sa'kin pero hindi niya binawi ang sinabi niya.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Where stories live. Discover now