Chapter 20. GOODnight... ^___^

16.7K 466 5

Natapos ang dinner nang masaya. Napakarami naming napagkwentuhan nina Ellah.

But before that, pasimpleng inilayo ako ni Tita Sandra at Briellah from the crowd.

Akala ko magpapatulong lang sila para iprepare ang blueberry cheesecake na si Tita Sandra mismo ang gumawa. Nakakatuwang isipin na kahit mayaman sila ay marunong naman talaga silang kumilos sa kusina.

Nagulat lang ako nang harapin ako ng mag-ina na seryosong nakatingin sakin.

"Twilight, hija...we want to ask you a favor." si Tita Sandra

"A-anu ho 'yon?" kinakabahang tanong ko

Ikaw ba naman ang kornerin ng mag-ina? Parang it's a matter of life and death na ang magiging kasunod niyon.

"You see Twilight, I was really surprised na hindi mo nabanggit kay Xander ang tungkol sa pagkakaligtas mo kay Nicko." si Ellah

"And...we want you to keep it from him." si Tita Sandra

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Anu naman kaya ang trip ng mag-inang 'to?

"S-sige po."

"But tell me honestly, hija. Why didn't you tell him?"

Napaisip ako.

Bakit nga ba?

Kailangan ba kasing i-mention 'yon sa kanya kung para kaming aso't pusa 'nong unang pagkikita pa lamang namin?

"I don't know...It's just...i didn't think that it has something to do with my job. I mean, what's the point?"

Nagkatinginan ang dalawa. And then smiled genuinely...

"I'm sorry, dear. Just bear with us, ok? I know it's a big question for you kung bakit kailangan nating ilihim 'to sa anak ko."

"You just have to trust us, ok?" nakangiting dagdag ni Ellah.

Tumango na lang ako.

"Alright! Now let's go bring this heavenly cake of mine to the boys. They love it." maya-maya ay sabi ni Tita Sandra

Nagpatianod na lang ako. Ang lakas ding maka-trip ng mag-inang 'to.

Whatever they're up to, wala na akong magagawa kundi sumakay na lang. Hindi naman siguro sila gagawa ng bagay na ikasasama ko?

Pagkatapos ng usapan namin ay bumalik na kami, sa living room naman ngayon ang venue. Karugtong niyon ang pool na tanging glass sliding door lang ang nakaharang. Kitang-kita ang malinaw na tubig na maaninag mula sa pool, at ang mga lalaking kasalukuyang nag-iinuman doon.

Sinadya kong maupo sa sofa na pinakamalapit sa glass para naman libre kong nasusulyapan si King.

Ang gwapo talaga niya...

Kahit saang anggulo mo tignan, mapapabuntong-hininga ka talaga.

No matter how he blends well with his own crowd, I can see only him.

Just him...

Look at me...

Face this way...

That's right...

Right this way...

Just---

The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's LairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!