Chapter 26. Temper Temper...

14.7K 374 3

Sabado.

Hmmm...

Ano kayang gagawin ko ngayon?

Katatapos ko lang mag-general cleaning. Lahat na siguro ng alikabok, nilinis ko na.

Tumawag naman si King kanina na pupunta daw sa resto-bar na business nilang anim. Hindi ko na matandaan ang pangalan. Hindi daw siya sigurado kung anong oras siya makakauwi.

10 am na...

Malapit lang ang mall...

Ay huwag, baka mapagastos ako nang wala sa oras.

Marami kang ipon...

Ehhh...

Malaki-laki rin 'yon...

Oo nga pero sayang.

Never ka pa gumala since nagtrabaho ka sa MIC...

Oo nga no? Bakit hindi ko naisip 'yon? Pero baka mawala ako.

Pwedeng tawagan si boyfie in case of emergency...

Oo nga...

Hmmm...

Wala namang masama kung gagala ako diba?

So...

Tara!

Naligo na ako at nagbihis. 10:45 na ako natapos kaya sakto na siguro.

Simpleng navy blue blouse lang ang suot ko at floral skirt na above the knee level.

Gorah!

Lalakarin ko na lang ang mall, malapit lang naman.

Naisipan ko munang mag-withdraw sa atm ko pagkatapos ay pagala-gala na ako sa mga boutiques sa mall.

Grabe...

Ang dami na palang usong mga damit ngayon?

Bakit ni hindi ko manlang namalayan?

Parang nagkaroon yata ako ng time dilation?

Pati siguro mga grade-school students eh mapagtatawanan ako kapag nagtangka akong magtanong kung ano ang fashion trends ngayon. -__-

Imagine?!

Naturingan pa naman akong BFF ng isang fashion designer at sosyal na businesswoman.

Ang kulang na lang eh iwagayway ko ang bandera na may nakasulat na

"MABUHAY ANG MGA TAONG-BAHAY!!!".

-__-

Whoh!

Nagutom tuloy ako...

Naispatan ko agad ang mga kainan na bukod sa nagpapasarapan sa ads at menu eh talagang nangangamoy at nakakaakit sa tyan.

Ang daming tao...

Saan kaya ako papasok?

Jollibee? KFC? Greenwich? Pizza Hut?

Hah!

Mang Inasal!

Sa kasamaang palad...

Parang may concert ng 1D...

Occupied lahat ng tables. May mga ilan ding nakatayo pa at nakahawak ng numero, may mga nagpapareserve ng tables.

Oh my enraged heart! I did not foresee... The depths of my despair! The longest agony!

The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's LairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!