Chapter 6. The Collision

16.3K 496 4

"BRUHA KA! The Montereals are worth billions! Bakit ka naman nagpakipot?" si Dove na kulang na lang ay puk-pukin ako ng nilukot niyang magazine.

It's 12 noon at nandito nga sila ni Cheese sa bahay dahil tinawagan ko sila at sumugod naman sila agad. Tama naman ang hinala kong alalang-alala sila sakin dahil hindi man lang ako nakapagsabi na naospital pala ako. Akala daw nila ay na-salvage ako at itinapon sa Pasig river ang bangkay. Brutal!

Ikinwento ko nga sa kanila ang lahat-lahat, at ako pa ang nagulat sa mga reactions nila. Para kasing kilalang-kilala ng mga ito ang mga Montereal at ako lang yata ang, well...how will i put this? Ako lang yata ang outdated?

"MIC is the leading company in the country since The senior Montereal's son took over. I wouldn't dare go near him, if I we're you Twix. I heard he's heartless." sabi naman ni Cheese na umiral na naman ang pagkamuhi niya sa mga lalaki.

She had a fiance once, pero niloko lang kasi siya ng lalaking iyon kaya lahat na lang ng makita niyang nabibilang sa male specie ay kinamumuhian niya. Except Dove of course...

Basta mahabang istorya. Sana matutunan pa rin nitong magmahal ulit.

"Girls...i just need the job, ok? Iyon lang. No more, no less. Just the job. I don't want to take everything na ihahain sakin, solid pa din naman ang principles ko. So just support me na lang, ok? I'll be fine."

"Fine..fine.. Pero kung hindi ka sa mga Montereal tutuloy habang nasa work, you can stay sa condo unit ko. Hindi ko rin naman ginagamit kasi nga bumili ako ng bago. I insist na doon ka mag-stay for your safety and malapit naman ito sa MIC." offer ni Dove sa akin.

Lumiwanag ang mukha ko. Hindi pa man ako namo-mroblema sa titirhan ko ay may solusyon na agad. Bigla-bigla naman yatang ibinuhos sakin ni Lord ang lahat ng blessings sa earth?

"Solomot besh...Pero magbabayad ako ng renta kapag pay day ko ha?" yumakap ako sa kanya.

Dove rolled his eyes.

"Anung renta? I'm offering it to you for free. I'm not a landlord for goodness sake! Wala kang babayaran sakin, kung ayaw mong maging friends pa tayo. 'Tong babaeng to, nauntog ka lang saksakan ka na ng pakipot!"

Ang swerte-swerte ko talaga sa buhay. Ambabait ng mga taong nakapaligid sakin na mahal na mahal ako.

"And if ever you need anything, puntahan mo ako sa office. " si Cheese naman.

Niyakap ko na rin sya. Nauwi rin sa group hug.

"Makayakap naman 'to, parang end of the world na. Hoy, Twilight Bliss Delgado Alonzo, siguraduhin mo lang na makakahanap ka ng jowa dahil kung hindi ay ipapasok na kita sa kumbento."

Binitawan ko na lang ang dalawa sa pagkakayakap. Grabe naman, sinira talaga ang moment.

Tss.

Tumawa lang si Cheese.

"Kailangan ko nga palang mag-grocery para bukas. Pakihatid naman ako mamaya." sabi ko nang maalala kong bukas na pala ako lalarga.

Napagkasunduan naming tatlo na kakain muna sa isang kainan sa mall. Pagkatapos kumain at ibigay sakin ni Dove ang address at susi ng unit niya ay naghiwa-hiwalay na kaming tatlo.

Pumunta na ako sa supermarket pagkatapos dahil hapon na.

Mabilisan lang akong kumuha ng mga kakailanganin ko at all set na.

Pupunta na sana ako sa counter nang maalala kong kumuha ng favorite kong Hershey bars. Kahit siguro mamulubi ako, hinding-hindi ko ipagpapalit ang chocolates.

The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's LairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!