Chapter 24. A Taste of Heaven

15.2K 384 1

Lalaine...

Lalaine...

Lalaine...

"Hindi naman siguro siya katulad ni Lalaine..."

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Hindi ko na dapat pinakinggan pa ang usapan nila, nafru-frustrate tuloy ako dahil gusto kong malaman ang kwento nila ni Lalaine.

Past is past na kasi...

Pero kasi nga...naku-curious ako.

Ayoko namang tanungin nang diretso kay King at baka bigla na lang siyang magsuper-saiyan.

Ganito ba talaga ang feeling kapag may jowa?

Iyong para kang pulis o detective na gusto mong malaman ang mga pinaggagagawa ng boyfriend mo bago naging kayo...

O di naman kaya...inaalam mo kung ilan, anong mga pangalan, tirahan, kamag-anak, alagang aso, at kung gaano katagal ang naging relasyon ng jowa mo at ng mga ex niya bago naging kayo...

Iyong tipong kahit 100 years pa ang nakalipas eh parang napakaimportanteng malaman nating mga babae ang naging mga past relationship ng boyfriend mo na hindi naman talaga importante at wala rin namang magbabago sa nakaraan nila.

Am I the only one getting this feeling?

Hindi kaya magiging masyado akong pakialamera kung ia-attempt ko na maghalungkat sa naging ugnayan nila?

May limitasyon ba ang karapatan ng pagiging girlfriend? Hanggang saan magtatapos ang mga katanungan ko?

Eh ano nga?! -__-

Haynaku...

Mabuti pa huwag ko nang isipin, tinotopak lang ako.

Ding-dong! Ding-dong!

Nahigit ko ang hininga ko. Siya lang naman ang alam kong laging nasa kabilang panig ng pinto kapag tumutunog ang door bell.

Kasalukuyan akong nanonood ng tv sa sala nang tumunog 'yon.

Ding-dong!

Tumayo ako at pinagbuksan ko siya ng pinto.

Good grief!

"Hi, miss... I'm here for dinner and i bought something to eat so...can I come in?"

Ipinakita niya ang dalawang malalaking supot na hawak niya sa magkabilang kamay.

"You're late." sagot ko kahit kumain na ako ng dalawang subong kanin kanina.

Hindi naman ako nakakain ng maayos kasi nga ang dami-dami kong iniisip kanina.

He was standing tall with his khaki pants, white shirt, and slippers.

Oh yes...I'll never get enough of him.

"So i just have to eat...alone?" he pouted his lips.

Awww... Shit naman eh... >__< Nagpapacute pa kasi eh...

Nakakasakit ng puso ang makita mo ang mahal mong nagsusumamo...

I mean seriously...

Parang tuta... ^__^

Wala eh...hindi ko matitiis ang pagmumukhang yan kaya...

The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's LairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!