Chapter 16. Paano?!

15.7K 453 15

"Good morning!" nakangiting bati ng isang lalaki na sa tingin ko ay empleyado ng MIC.

Nagkasabay kami sa lobby.

"G-good morning." ganting bati ko sa kanya.

"Ikaw 'yong bagong secretary ni President, 'di ba? Ang ganda mo naman pala."

Pft.

Nagpapalipad-hangin na 'to. Halata ko na. Pero cute din naman kasi siya. Chinito. Ok naman ang body built pero mas maliit nang kaunti ang height niya kay King.

King? Wow hah, naka-first name basis na kaagad ako sa kanya?

Sabagay, sa isip ko lang naman. Since na nakita ko na kasi siyang ngumiti, parang hindi na bagay sa kanya ang dark king.

"Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho mo?" untag ng lalaki.

"Ah...hindi naman."

"Hindi ka ba nahihirapan kay Sir?

"Hindi naman. Maayos naman ang pakikitungo niya sakin. Bakit mo naman naitanong?"

"Ah, wala. Siyanga pala, Jerome Constantino." at inilahad niya ang kamay niya.

"Twilight Alo---"

"Ms. Alonzo."

Napalingon ako sa nagsalita.

That familiar voice.

Oh my, King just arrived. Wait, bakit madilim na naman ang aura niya? Masama kaya ang gising niya? Pero kahit ganoon, gwapung-gwapo pa rin talaga siya sa kanyang suit. Para siyang isang makabagong Adonis...or whatever.

Gosh... I think I'm blushing. As usual, my heart just can't get enough.

Hindi na naituloy ang pagshe-shake hands namin ni Jerome.

"G-good morning, Sir." bati ko sa kanya.

"Sir." si Jerome

Grabe, masama talaga ang timplada niya.

"In my office, NOW." sabi niya sakin na para bang isa akong estudyanteng napatawag sa principal's office.

"You, go to your designated job." baling niya kay Jerome.

"Yes sir." tumalima na ang huli at naglakad na palayo.

Napatingin ako kay 'dark' king. Mas madilim pa siya kaysa sa cumulunimbus clouds.

What did I do now? O_O

Nagpatiuna na siyang maglakad papunta sa kanyang private elevator. Pumunta naman ako sa public elevators.

"Where do you think you're going?" madilim pa rin ang mukha niyang bumaling sakin.

"Sa elevator sir."

"Get in here." utos niya sakin habang nakaturo ang daliri niya sa kanyang private elevator.

Kumunot ang noo ko. The last time I got in there was like 4 weeks ago? That was the day na pinairal ko ang ka-shungahan ko.

Tinopak na naman ba 'to at pinapasakay niya ako sa pinakamamahal niyang elevator?

Tss...

Kahit kailan talaga, hindi mo matatantya ang mood ng lalaking 'to. Ipinaglihi siguro siya sa babaeng may dalaw.

Magtatanong pa sana ako pero sa nakikita kong dilim ng mukha niya eh...wag na lang.

Wala kaming imikan habang nakasakay sa elevator hanggang makarating kami sa office.

"Coffee." sabi niya sakin bago tumuloy sa sarili niyang office.

The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's LairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!