Chapter 10. Never?

15.8K 457 9

"Coffee."

Tumunog ang intercom.

Yes sir... -_-

So far ay wala pa naman 'yong I-will-make-you-suffer moment na inaasahan ko na kaninang umaga pa.

Ito na ang official first day ko sa trabaho. Naglakad lang ako papunta dito pero enjoy. Inagahan ko talaga ang pagpasok kasi baka magalit si dark King.

Why do i keep calling him that? Dark King. King naman talaga ang pangalan niya, di ko pa alam noon. Meant to be lang siguro talaga na tawagin ko siyang Dark King. I kinda like it. Nasanay na rin ako. Para kasing sexy ang dating and at the same time, very gloomy. It's a perfect description of him.

Coffee...

Ay, oo nga pala. Tumayo ako at kumuha ng mug at nagsalin ng kape mula sa perculator. Hindi ko alam kung anung gusto niyang kape pero hindi naman niya sinabi kung anu kaya hocus pocus na lang. Tinimplahan ko ng creamer at kaunting sugar ang kape at tinikman. Napangiti ako.

Sa lahat ng ka-shungahan ko sa mundo, sa kape ako magaling. Ewan ko ba kung paano pero tirador kasi ako ng kape lalo na noong nagsusulat ako. Masarap ang timpla ko ng kape, even Dove and Cheese would have taken me anywhere in the world para lang sa timpla kong kape.

Sana masarapan siya para naman humupa kahit papaano ang inis niya sakin.

Dug-dug. Dug-dug.

Tss... Humaharot na naman ang puso ko sa kaba.

Kinuha ko ang kape at naglakad papunta sa office niya.

Bakit pa kasi napakalawak ng ginawa niyang office? Nakakabingi ang katahimikan. Taguktok lang ng takong ko ang naririnig. Wala kayang multo dito?

Heto na tayo... Nasa harapan na ako ng glass door at kumatok ako bago pumasok.

Seryosong-seryoso ito sa hinaharap niyang mga papers sa ibabaw ng table niya. As usual, with his dark and gloomy mood. Hindi siya tumingin sakin nang ilapag ko ang kape sa mesa niya.

Tatalikod na sana ako ng magsalita ito.

"Black."

Humarap ako sa kanya.

"Sir?"

And then he looked at me in the eyes.

Ah... I could get used to this moment. Kahit siguro araw-arawin niya ang magmukmok dito, ayos lang sakin. Basta ba ganun siya tumingin sakin, nabubusog na ako.

"I prefer black coffee." sabi ni dark king.

Tumalima naman ako.

"Yes sir, right away."

Hindi ko na kinuha ang naunang kape sa table niya dahil dali-dali akong umalis at nagtimpla ng kape.

Bumalik ako sa office niya dala ang panibagong kape. Inilapag ko ito sa tabi ng isa.

Bored na tinignan niya ang mga kape at saka sakin.

"Did you put sugar in it?" tanong niya.

"Yes sir."

"No sugar."

Nahigit ko ang hininga ko. Parang nase-sense ko na ang gustong mangyari ng lalaking 'to. Hindi ko mapigilan ang pagbangon ng inis sa sistema ko. Umalis din ako para kumuha ng kape niyang walang ka-taste-taste. Tatawag-tawag siya sa intercom para sabihing 'coffee' lang?

The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's LairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!